Julia: Si Coco ang pinakagwapong Kapamilya!

julia montes

Hindi naman nakaligtas si Julia Montes kay Boy Abunda nang mag-guest ito sa Aquino And Abunda Tonight kamakailan.

Hindi sumagot ang dalaga sa tanong kung tuluy-tuloy pa rin ang panliligaw ni Coco Martin sa kanya. Pero sa mga sagot niya sa Fast Talk segment ng A&A, parang si Coco talaga ang ideal man niya.

Mas gusto raw kasi ni Julia ng moreno kesa tisoy, feel niya rin ang homeboy kesa sa party boy. Mas gusto rin daw niya ang guwapo kesa macho.

At para sa kanya ang best looking male celebrity ay si Coco Martin. So, alam n’yo na!

Read more...