‘ANDI, masama ang manumpa ng kapwa!’

Tumigil na sana sa pagsasabi ng kanegahan kay Albie Casino

MARAMI akong nababasa tungkol sa diumano’y pagsumpa ni Andi Eigenmann sa former love niyang si Albie Casino – yung standard na sumpa dala ng galit sa kapwa.

Whatever it may be, kung anuman ang nasabi ni Andi about Albie ay gusto naming unawain dahil hindi rin biro ang pinagdaanan nila through their entire relationship.

Pero pinaaalala lang namin sa mga bagets na ito na masama ang magsumpa ng kapwa. Cursing is a sacrilege.

Hindi ito biro at kung dala lang ito ng kanilang mga sama ng loob, let them know that it is bad.

Minsan kasi, may krus ang mga dila natin, may mga nasasabi tayong masasakit at nagkakatotoo.

When it happens, sometimes people rejoice. Paalala lang.

In fairness to me, sa dami ng mga nakakabangga ko sa industriya natin, nagagalit ako, yes – pero never akong nag-curse ng kapwa. Takot ako sa Diyos, takot ako sa karma.

Masama iyon. Palaging pinaaalala sa amin ito ng mga magulang namin nu’ng mga bata pa kami kaya dala-dala namin ito hanggang sa kami’y lumaki.

I always leave a space na puwede kaming magkaayos ng kung sinumang nakakasamaan namin ng loob.

Whoever does the first move for the reconciliation ay di na mahalaga sa akin, ang importante ay nagkakaayos in the end.

We have to appreciate the gesture of pagpapakumbaba.

Dios mio, sa ilang mga nakasamaan ko ng loob sa negosyong ito dala ng propesyon natin bilang manunulat, kung pinairal lang namin ang mga sumpa-sumpa na iyan, baka matagal na akong tigok or baka marami na rin ang natigok dahil madalas na may krus ang dila ko.

Mabuti na lang, puro positive ang wishes ko for many.

Kasi nga, takot ako kay Lord. Takot akong mag-curse.

Kahit ganito ako katabil minsan, hindi mo ako mariringgan kahit minsan wishing ill of someone.

That’s how I am kaya siguro ako blessed pa rin all the while, di ba?

Mahal ko iyang sina Andi and Albie and whatever transpired between them ay kanila na lang iyon.

I respect their decision to split, I respect the pain that they went through – malaki ang naitutulong kasi ng pain sa buhay natin para mag-mature tayo and learn to live a better life.

Ganoon lang talaga ang buhay, hindi lahat bed of roses.

Kaya wish ko lang sa mga batang ito, move on! Try to be broader sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

Be good and who knows, baka one day, with so much love in your heart, baka magbalikan pa kayo.

Who knows?

Read more...