Coco jackpot sa ‘Ang Probinsiyano’; nakarami ng halik kay Bela Padilla

By Reggee Bonoan August 24,2015
share this

Coco jackpot sa ‘Ang Probinsiyano’; nakarami ng halik kay Bela Padilla

By Reggee Bonoan August 24,2015
share this

coco martin

PERSONALLY, hindi namin napanood ang pelikulang “Ang Probinsiyano” ni Da King, Fernando Poe, Jr. kaya wala kaming mapagkumparahan sa TV remake nito starring Coco Martin.

Napananood namin ang pilot week nito sa advance screening kamakailan sa Trinoma Cinema 7.
As expected, galing na galing pa rin kami kay Coco, maging ang mga eksenang nagte-training sila para ma- ging isang ganap na pulis at kung paano sila pinahirapan ay totoong-totoo dahil ganu’n talaga ang training sa Philippine Military Academy o PMA kung saan marami kaming kakilalang nagtapos.

Matagal na naming gusto si Coco dahil hindi siya conscious sa itsura niya sa mga ginagampaman niyang papel, ‘yung iba kasing artista kaya hindi gaanong binibigyan ng projects dahil ang daming arte sa harap ng camera.

Kaya naman puro papuri ang ibinibigay kay Coco ng mga nakakatrabaho niyang artista, direktor, producer pati na ang pinakamababang ranggo sa produksyon, “Sobrang bait, walang ere, matulungin lalo na sa baguhan at kung anu-ano pa.”

Going back sa Ang Probinsiyano, maganda pala talaga ang kuwento nito. Dual role ang aktor dito bilang ang kambal na sina Ador na taga-Maynila at ang probinsiyanong pulis na si Kadyo.

Medyo nag-isip lang kami nang sabihin ng ilang katoto na maganda ang serye pero hinahanap pa rin daw nila ang tinatawag na FPJ touch.

Sa madaling salita, i- kinumpara pa rin si Coco kay Da King. Pero sa pagkakaalam namin ay talagang hindi pinagaya kay Coco ang akting ng Hari ng Aksiyon sa TV version ng pelikula.

Simula pa lang ng serye ay ilang beses nang naghalikan sina Coco at Bela Padilla ang gumaganap na asawa niya sa kuwento, kaya feeling namin ay tuwang-tuwa ang aktor dahil sa pagkakaalam namin, sa dami ng seryeng nagawa niya sa ABS-CBN ay dito sa Ang Probinsiyano lang yata siya nakaranas ng sandamakmak na halikan.

Ano kaya ang reaksyon dito ng boyfriend ni Bela na si Neil Arce?  Anyway, lahat ng artistang naka-eksena ni Coco sa unang linggong episode ng Ang Probinsiyano ay mahuhusay tulad nina Jao Mapa, Ramon Christopher, Ping Medina, Jaime Fabregas, Dennis Padilla, John Medina, Lester Llansang, Art Acuna, Arjo Atayde, si Bela at si Ms. Susan Roces.

Na-curious naman kami sa batang si Onyok na inampon ni Kadyo (Coco), ito ang bagong child star ng Dos na na-discover ng Dreamscape Entertainment.

Ang galing-galing umarte ng bagets, parang matagal nang nag-aartista, huh! Tinanong namin ang isa sa business unit head ng Dreamscape na si Rondell Lindayag kung paano siya napasama sa Ang Probinsiyano, “Ay nag-audition po siya, hindi ko alam kung taga-probinsiya, pero alam ko taga-Manila lang.”

Hindi guwapo si Onyok, (sira pa ang mga ngipin) tipikal na batang mahirap at probinsiyano, pero tiyak na mamahalin at kaaaliwan siya ng manonood.

Sa Setyembre na eere ang FPJ’s Ang Probinsiyano at gusto naming tutukan ito dahil gusto namin ang kuwento. Ito ang papalit sa Nathaniel sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending