Muling na-hit ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN ang pinakamataas na rating simula nang umere ito noong Mayo.
Sa survey ng Kantar Media, nakakuha ng 39.7 percent ang Aug. 19 episode ng serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, which is higher that its previous highest viewership of 37.2 percent last June 5.
Ayon sa Star Creatives ng ABS-CBN, tinutukan ng milyun-milyong manonood ang kauna-unahang pagkikita ng mag-inang Amor Powers, (Jodi Sta. Maria), at Yna Macaspac (Kathryn).
Bukod dito, sinasabing mas tumataas pa ang rating ng Pangako Sa ‘Yo dahil sa pagtutok ng mga viewers sa mga confrontations scenes nina Amor Powers at Madam Claudia (Angelica Panganiban) pati na rin ang mga nakakikilig na eksena nina Jodi at Ian Veneracion na gumaganap namang Eduardo Buenavista.
Sabi nga ni Kathryn nu’ng huli namin siyang makachika, napakarami pang mangyayari sa PSY kaya huwag dapat bumitiw ang viewers, lalo na sa mga karakter nila ni DJ at sa pagpasok ni Bea Bianca (Sarah Carlos) sa eksena.