Luis: Ang kapal ko naman kung ako pa ang hihingi ng prenup kay Angel!

By Ervin Santiago August 23,2015
share this

Luis: Ang kapal ko naman kung ako pa ang hihingi ng prenup kay Angel!

By Ervin Santiago August 23,2015
share this

luis manzano

“MAS mayaman si Angel (Locsin) sa akin, maniwala kayo, katiting lang kung anong meron ako kung ikukumpara sa kanya!”

Ito ang sagot ni Luis Manzano nang matanong sa presscon ng top 6 finalists ng The Voice Kids Season 2 kamakailan kung hihingi ba siya ng prenuptial agreement kung sakaling ikasal na nga sila ni Angel.

“Alam n’yo may tiwala naman ako kay Angel. Second, definitely, mas maraming pera sa akin si Angel. So, ang kapal ko namang humingi ng prenup!” seryosong pahayag ng TV host-actor.

Hindi rin daw papayag ang The Voice Kids host na magbigay sa kanya si Angel ng financial support sakaling tumakbo siya sa 2016 elections, parang nakaka-turn off naman daw ‘yun, kahit na sabihing mag-asawa na sila ng aktres.

“Wow, ako kasi hindi ko talaga hinahalo ang pera at saka love eh. Sa akin parang as of now, ayoko talaga. Kami ni Angel pag lumalabas kami split talaga kami sa pera, split kami sa check so kunwari kumakain kami sa labas ako magbabayad, yung next kailangan siya talaga.

“Masaya rin kasi ayoko haluan ng pera yung kaming dalawa and we’re both very hindi naman wise pagdating sa pera pero sabihin na natin naniniwala kami na kunwari nag-vacation kami for a while hati talaga kami as in split,” ani Luis.

Sey pa ng TV host, hindi lang naman sa pera handang tumulong si Angel, sa katunayan, noon pa man ay suportado na ng kanyang girlfriend ang kanyang political plans, “Sinabi sa akin ni Angel yan.

Hindi ko lang inaasahan siya talaga nagsabi sa akin niyan na, ‘Kulet kung sakaling itutuloy mo yung pagtakbo mo I’ll be behind you all the way.’ Ayoko naman sabihin na yun lang ang patunay.

“There are so many more instances na puwede ipakita yung pagmamahal niya pero kumbaga that may be one pero hindi lang yun yung pinaka-patunay,” hirit pa ng anak ni Gov. Vilma Santos.

Nang matanong kung handa na ba siyang pakasalan si Angel anytime soon, “Handa na naman (kami) pero kumbaga ako as an individual may mga gagawin pa ako lalo na si Angel nag-mo-movie pa.

Kung hindi ako nagkakamali malapit na rin simulan ang ‘Darna’. “So kumbaga emotionally we’re getting there.

Ready na rin naman pero mas maganda yung malatag namin yung future namin na mas prepared kami. Wala pa (definite date). Kung proposal nga wala pa eh,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending