Sunud-sunod ang malalaking projects ni Bella Padilla. Kasama siya sa bagong teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano at major role naman siya sa movie na “Felix Manalo” bilang si Honorata, ang wife ni Ka Felix played by Dennis Trillo.
“Siguro dati hindi ako aware sa life story nila,” pag-amin ni Bella about Ka Felix and Honorata. “Initially, baka isipin ng tao na ‘yung market niya ay Iglesia Ni Cristo lang. I really think dapat panoorin ng lahat ng tao kasi hindi naman siya religion-based.
“It’s an inspiring story of a person who believed in something tapos ipinaglaban niya. Feeling ko ‘yun ang kailangan ng mga tao kaya kailangan natin ng role model,” dagdag niya.
While doing the movie ay sobra palang na-inspire si Bella because she discovered who the Executive Minister of Iglesia ni Cristo really was.
“Ako, personaly hindi ako Iglesia ni Cristo member pero masasabi ko ngayon na na-inspire ako ni Ka Felix kasi ang dami nilang pinagdaanan.
Parang sinacrifice nila ang comfortable lifestyle nila, sinacrifice nila ‘yung mga bagay na alam nila para mag-risk, to form a new religion, to tell the people the good news, the truth.
“Very inspiring. Hindi mo siya kailangang panoorin dahil gusto mong malaman ang religion. “Marami kang matututunan, ‘yung determination ni Ka Felix and ‘yung support ni Ka Honorata sa kanya.
Ang lakas na paniniwala nila,” she explained as to why people should watch the movie when it gets shown on Oct. 7.
Joining Dennis and Bela in “Felix Manalo” biopic are Mylene Dizon, Gabby Concepcion, Richard Yap, Lorna Tolentino and a lot more. This is directed by Joel Lamangan, produced by Viva Films.