Kris madaling maloko ng lalaki

herbert bautista

MERON akong feeling that common law partners Mayor Herbert Bautista and Tates Gana are playing their cards well by sacrificing a little pero mas malaki ang ganansiya sa kanilang private drama.

Iyon nga lang, for making the world believe that Herbert is romancing with someone else, naaapektuhan ang mga anak nila. Konting hurting-hurting drama kuno ang nakikita natin kay Tates pero ang ending sa kanya pa rin naman umuuwi si Bistek, di ba?

“Kasi nga, matayog ang pangarap ni Herbert sa larangan ng pulitika – whether to remain mayor of Quezon City or sa pagtakbo bilang senador in next year’s polls.

Both ways ay panalo talaga siya in terms of mileage,” simulang pahayag ng aming kausap. “Yung pagli-link sa kaniya kay Kris Aquino whom we all know is one of the biggest stars in the business, talagang pag-uusapan siya once linked to Kris.

Kahit siguro si Mura ang i-link sa Queen of all Media ay sisikat. Kakambal na ni Kris ang popularity dahil she is her own best publicist kung napansin lang ninyo.

“Kaya heto si Bistek, sinamantala ang pagkakataong ma-link kay Kris – kumbaga, lalaki naman siya, walang mawawala sa kaniya kung patulan man siya ni Kris.

Kung sakali, hindi naman siya ang mabubuntis. Mahusay magpaikot ng mga tao ang mga iyan – Kris may not just be aware that she is so used by Mayor Herbert in terms of media mileage – puwede talaga siyang dyowain kuno ni Herbert at paniwalaing willing siya to give up Tates for that.

“Alam niyo naman si Kris, very vulnerable in the name of love. Sabik sa pagmamahal ang babaeng iyan at baka akala niya ay natagpuan na niya kay Bistek ang sagot sa matagal na niyang pangarap na makapag-asawa ng isang taong kahit paano’y hindi malayo sa estado o level niya.

Matalino si Herbert, mahusay na aktor dati at mayor ng Quezon City ngayon – merong posisyon na hindi basta-basta kaya hindi alangan para sa kaniya.

“Matagal na sa politics si Bistek, ‘no! Hindi na bago sa kaniya ang gamitan issues para lamang manalo. Siyempre, he gets free publicity mileage, I mean, wala talaga siyang gastos para pag-usapan lang.

You know naman kung gaano kagastos ang magpakilala sa public – many politicians spend so much money para lamang malagay sa iba’t ibang sections ng newspapers at mapag-usapan sa radio and television or even social media.

“Pero para ma-link kay Kris and get everything for free – only Bistek knows this. Hindi iyan pakakawalan ni Bistek until after election time.

Believe me,” mahaba pang litanya ng isang kaibigan naming analyst. We believe so too. Kasi nga, narinig naming kay Tates Gana pa rin umuuwi si Herbert despite all the rumors that he bonds with Kris regularly.

Pareho na nilang napagkasunduan nga siguro ni Tates na sakyan na lang ang mga bagay-bagay dahil pare-pareho rin naman nila itong mapapakinabangan.

Kasi nga Tates is also running for councilor sa Quezon City. Ang drama niya ay pa-underdog para makakuha rin ng public sympathy sa public.

Alam niyo naman ang siste sa bansa natin, once you get public sympathy, chances are, mananalo ka. Ganoon talaga. Kaya husayan na lang nina Bistek at Tates ang kadramahan nila para hindi sila mabuko ng publiko that they are all taking us for a ride.

Madali namang umiyak-iyak kuno – na nasasaktan or what echos. Laki yata ng pakinabang nila pag na-sustain nila ito hanggang May of 2016, di ba?

Konting tiis na lang kumbaga, pareho silang mahusay magdalang magdyowa. Ang kawawa rito ay si Kris Aquino na clueless sa mga pangyayari – that she is ultra used. Agree?

Read more...