May sickness benefits sa SSS?

KAUGNAY po ito ng katanungan ni Ms. Rebecca kung saan inaalam niya kung may makukuhang sickness benefits mula sa SSS ang kanyang kaibigan na sa ngayon ay sumasailalim sa chemotherapy.

Nais naming ipaalam kay Ms. Rebecca na mayroong sickness at disability benefits ang SSS na maaa- ring makuha ng isang miyembro depende sa bilang ng kanyang mga hulog at uri ng sakit. Mainam po sana na mayroon tayong mga datos tulad ng SS number at pangalan ng kanyang kaibigan upang maseguro natin kung siya ay may sapat na kontribusyon para dito. Gayunpaman, maaari pong ma- ging basehan ang mga sumusunod kung kwalipikado ba ang kanyang kaibigan sa alinman sa dalawang benepisyong nabanggit.

Para sa sickness benefit, kinakailangan na mayroong tatlong buwang hulog ang miyembro sa SSS sa loob ng isang taon bago ang semester ng pagkakasakit. Ang semester ay tumutukoy sa dalawang magkasunod na quarters kung saan napapaloob ang buwan ng pagkakasakit.
Halimbawa, kung ang miyembro ay nagkasakit ng Hulyo 2015, ito ay pasok sa loob ng semester na Abril – Hunyo 2015 at Hulyo – Setyembre 2015. Dahil dito, kinakailangang mayroon siyang naihulog sa pagitan ng Abril 2014 – Marso 2015 para mag-qualify

Maliban sa mga hulog, dapat ay makapag-notify ang kanyang kaibigan gamit ang SSS Form CLD 9N (Sickness Notification) sa SSS sa loob ng limang araw mula sa araw ng kanyang pagkakasakit maliban na lamang kung siya ay na-ospital. Ang pag-file ng sickness benefit ay sa loob ng isang taon mula sa araw ng pagkakasakit o isang taon mula ng makalabas siya ng ospital. Kumpletuhin at dalhin lamang ang mga sumusunod na dokumento sa alinmang sangay ng SSS na pinakamalapit sa kanya: SSS Form CLD 9A (Sickness Benefit Application Form for Unemployed/Self.Employed/Voluntary Members), SSS Form MMD 102 (Medical Certificate), 2 valid IDs, certification of separation from last employer, at certification of no advance payment kung ang miyembro ay nagkasakit habang siya pa ay nagtatrabaho pa.

Ipinagkakaloob naman ang disability benefit sa mga miyembrong hindi makapagtrabaho sanhi ng kanilang sakit. Kauganay nito, maaring pong magsumite ng kanyang aplikasyon ang miyembrong may sakit tulad ng cancer na nangangailangan ng chemotherapy. Kinakailangan lamang na magsumite ng Disability Claim Application Form, Medical Certificate, 2 valid IDs, histopath, examination of tissue records at iba pang medical records na magpapatunay ng pagkakaroon ng nabanggit na sakit. Isinasailalim sa pagsusuri ng doctor ng SSS ang miyembrong may disability benefit application.

Nais po lamang naming linawin na hindi maaaring sabay na isumite ang sickness at disability benefit. Kung sakali mang kwalipikado ang kaibigan ni Ms. Rebecca sa dalawang ito, pinapayuhan namin siya na unahin ang aplikasyon para sa sickness benefit at kapag naubos na ang maximum na 120 araw para sa kanyang sickness benefit sa loob ng isang taon ay saka isunod ang disaiblity benefit.

Sana po ay nasagot namin ang kanyang katanungan. Hangad din namin ang agarang pagga- ling ng kanyang kaibigan.

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Department Manager III

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...