Takot mag-isa sa pagtanda

HELLO manang,

Miss Capricorn na lang po ang itawag nyo sa akin. Ako po ay 57 years old at taga Midsayap, North Cotabato.

Manang tanong lang po, kung sakali ako ay
magretiro sa pagtuturo ay mayroon po bang magtitiyaga na magbantay o mag-alalay sa akin, kung sakali?

Kasi hindi po pantay ang pagtrato ko sa aking mga pamangkin. Masyado po akong masungit at may favoritism sa mga pamangkin ko, manang.

Ano pong adjustment ang gagawin ko para may magmalasakit sa akin at ako ay matulungan kung sakaling ako ay tumanda na dahil doon na ang tungo ko sa edad kong ito. Bigyan n’yo po ako ng payo.
                                                                                                                                                          Miss Capricorn

 

Hello Miss Capricorn ng Midsayap.

Thank you for writing. I believe love begets love. Ang sabi mo ay masyado kang masungit at may favoritism sa iyong mga pamangkin… Well, that’s a start.

Maybe be less masungit and less na may favorite (although sometimes mahirap yan). Make each day a step towards embracing kindness and be an inspiring person para sa iyong mga mahal sa buhay.
Though after retirement, I hope huwag mo silang i-obliga na alagaan ka.

Nobody should feel obliged to take care of us. If they do, then dapat bukal yon sa loob nila. Don’t just be kind because you expect something in return but be kind because it comes from your heart…

Why not find someone who you will grow old with? Hindi pa huli ang lahat…

****
Ang payo ng tropa:

Dear Miss Capricorn,

Kung may inaasam kang bunga, ngayon pa lang ay magtanim ka na. Habang hindi ka pa nag-reretiro maaari mong ayusin ang pakikitungo sa iyong mga kamag anak, pamangkin man o sino man, hindi dahil sa gusto mong may mag-alaga sa iyo pagtanda mo kundi upang gawing kaayaya ang yung palagid mula ngayong hanggang pagtanda mo.

Nakakatakot isipin na nariyan lamang sila dahil may pakinabang sa iyo at sa oras na wala na ay hindi ka na rin pakikitunguhan. Higit sa materyal na bagay ipadama mo na sila ay may kaagapay, at tiyak na aanihin mo ang kahalintulad na pagtrato ito.
Ate Ching Gracia

***
Marami akong kilalang mga tumanda na hindi nakakapag-asawa at nagkaanak dahil sa iba’t-ibang kadahilanan kayat hindi ka siguro nag-iisa sa iyong alalahanin.

Maraming mga kababaihan ang tumatandang dalaga dahil sa pagiging abala sa kanilang mga trabaho.

Ano man ang dahilan kung bakit umabot ka sa edad na 57 na hindi naisip na mag-asawa at magkapamilya, dapat ay ienjoy mo na lang ang buhay imbes na nag-aalala.

May mga kapatid ka naman pala na iyo pa ring makakatuwang sa iyong pagtanda. Ituloy mo na lang ang ginagawa mong pagtulong sa iyong mga pamangkin at kung maaari iwasan mo ang magpakita ng favoritism. Maging busilak ang pagtulong.

Michelle ng QC

Read more...