Sister ni Arjo binalaan sa pagpasok sa showbiz

ARJO AT RIA ATAYDE

ARJO AT RIA ATAYDE

Natutuwa kami at unti-unti nang natutupad ang pangarap ng mahal nating baby na si Ria Atayde na makapasok sa showbiz since 6 years old pa lang siya.

Dati-rati’y buntot lang ito nang buntot sa Mommy Sylvia Sanchez niya dahil gusto talaga niyang mag-artista noon pa. Pero hindi siya pinayagan ng parents niyang sina Sylvia and Art Atayde na mag-artista until she finishes college.

In short, it’s been so long bago niya ito naisakatuparan. Ginalingan niya ang pag-aaral and finally she finished college. After college, pumunta siya ng Spain para mag-aral pa and after noon ay niregaluhan niya ang kaniyang sarili ng masarap na bakasyon sa New York. And when she came home, ni-remind na niya ang parents niya about her dream – ang pag-aartista nga dahil she has already done her part.

Wala ngayong choice ang kaniyang parents kundi ang payagan na siya pero how? Ayaw naman ni Ria na gamitin ang koneksiyon ng Mommy Sylvia niya sa showbiz para sa kaniyang entry though indirectly ay nagagamit naman talaga dahil her mom is so much loved by the industry. Pero ang ginawa ni Ria para walang masabi ang ibang tao ay nag-workshop siya sa Star Magic and auditioned for some roles.

Nagkataon naman that the new daytime soap Ningning was scouting for a beautiful English professor na may mass appeal, they asked Ria to audition and she passed the test. Kahit yung look text nila ay naipasa niya with flying colors. Kaya heto na, kasama nang napapanood ang maganda nating anak-anakan sa humahataw sa ratings na Ningning. Iyon nga lang, hindi pa sila nagkakaeksena ng Mommy Sylvia niya who is also a part of the soap.

“Natutuwa ako sa anak kong iyan. Kasi nga, masyadong disenteng bata. Gusto niya she’d try on her own. Pero huwag ka, kinausap siya ni Kuya Arjo niya. Kasi nga, ayaw talaga siyang payagan ni Arjo na pumasok sa showbiz noon, gusto ni Arjo mag-newscaster siya. Pero hindi na talaga mapigilan.

“Pero may mahigpit na bilin si Arjo kay Ria, na huwag na huwag mag-boyfriend ng taga-showbiz.

Nakikita raw kasi niya na napakaraming temptation sa showbiz at bibihira ang mga boys sa showbiz na seryoso sa girlfriends. Alam mo na!” natatawang kuwento pa ni Sylvia.

Anyway, good luck sa iyo, anak. Nandito lang kaming mga tiyahin mong nagmamahal sa iyo!

Read more...