Matapos ang paghihintay, nakapaglagak na ng piyansa si Sen. Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan Third Division.
Dumating ang opisyal ng Korte Suprema pasado alas-4 ng hapon upang ibigay ang kopya ng notice of judgment sa Sandiganbayan na nag-utos naman sa Philippine National Police na dalhin ang senador sa korte.
Ipinagtaka naman ng abugado ni Enrile na si Atty. Eleazar Reyes kung bakit natagalan ang pagdadala ng desisyon ng SC. Ang botohan ay ginawa noong Martes at kahit na walang pasok noong Miyerkules ay nagbukas ang Sandiganbayan upang hinatayin ang pagdadala ng desisyon.
Sa botong 8-4 ay pinayagan ng Korte Suprema ang hiling ni Enrile na makapagpiyansa kahit na ang kinakaharap nito na kasong plunder ay isang non-bailable offense.
Pinaglalagak si Enrile ng P1 milyong piyansa para sa plunder case. Mayroon pa siyang 15 kaso ng graft na kinakaharap na may kaukulang P30,000 piyansa bawat isa kaya umabot a P1.45 milyon ang inilagak na piyansa ng senador.
Inilagak ni Reyes ang piyansa bago pa dumating si Enrile sa korte.
Ang sakit at ang edad ni Enrile ang nagbigay ng bigat upang pagbigyan ang hiling ng senador.
Dinala ng Criminal Investigation and Detection Group si Enrile sa korte mula sa PNP General Hospital kung saan siya naka-hospital arrest.
Si Enrile ay inakusahan na tumanggap ng kickback mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang Priority Development Assistance Fund.
Nakulong si Enrile sa naturang kaso noong nakaraang taon.
30
Enrile nagpiyansa na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...