Erap: ‘Si Grace ang susunod na …’

Erap
TILA inendorso na ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada si Sen. Grace Poe para sa 2016 presidential polls.
“Kay Susan Roces, ang kanyang anak na si Grace, ang susunod na… ang susunod na…” sabi ni Estrada sa kanyang mensahe matapos dumalo sa ika-76 na kaarawan ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery.
Dinugtungan naman ng mga tagasuporta ni Poe ang sinabi ni Estrada ng, “Presidente!”
Pagkatapos ay nagpasalamat na si Estrada.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Estrada na malaki ang utang na loob niya kay FPJ, matapos naman siyang suportahan mula nang tumakbo siya bilang mayor ng San Juan City hanggang siya ay maging pangulo.
Ninong ni Poe si Estrada at itinuturing naman na best friend ng dating pangulo si FPJ.

Read more...