Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.4 ang Misamis Oriental kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:50 ng gabi. Ang sentro nito ay dalawang kilometro sa kanluran ng bayan ng Villanueva.
May lalim itong 28 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity III paggalaw sa mga bayan ng Villanueva, Tagoloan at Balingasag; at Cagayan de Oro City. Intensity II naman sa El Salvador City.
MOST READ
LATEST STORIES