Julia nagpaseksi nang todo, pero ayaw mag-pose sa FHM

julia montes pa

Ang payat-payat ngayon ng tinaguriang Royal Prinsesa Ng Drama na si Julia Montes. Sabi nga ng ilang entertainment reporters, pwedeng-pwede na siyang mag-pose sa mga men’s magazine.

Pero ayon kay Julia, okay lang sa kanyang magpa-pictorial ng medyo sexy sa isang fashion magazine pero hindi raw sa men’s magazine, tulad ng FHM.

“Hindi po ako kumportable, honestly. Sabi ko nga, ‘yung mga scenes before na nagawa ko na eh nahirapan talaga ako, hindi madali po sa akin.

Siguro po kung sa aspeto kung kaya mo ba bilang artista siguro baka po, pero kung kaya mo ba bilang babae, parang hindi po,” ani Julia.

Dagdag pa niya, “Siguro ang pananaw ko po kasi ay kaya ng isang babae na maging sexy without posing (sa sexy magazine) o mag-menos ng damit.”

Sey pa ng dalaga, talagang nagpapayat pa siya nang bonggang-bongga para sa dual role niya sa seryeng Doble Kara na magsisimula na sa Aug. 24 pagkatapos ng Flor de Liza, “Hindi ko alam (kung ilang pounds ang nawala) pero nagkasya na po ako ulit sa pants ko.”

“Siguro na-enjoy ko po ‘yung pagluluto sa ibang tao more than ako ang kumakain. Madalas kasi dati ako ang kumakain. Siguro dahil doon ay nag-lose weight po.

And excited po ako para din po bago at kumportable ako na gumalaw para sa soap ko,” hirit pa ng aktres sa isang panayam.

Read more...