Umabot na sa 1.2 M views ang teaser ng ‘One More Chance 2’

john lloyd cruz

Magbabalik ang tambalan sina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz after eight years.

Gagawin na nila ang sequel ng “One More Chance” na talaga namang nagpakinang sa kanilang box-office appeal. Sumikat ang characters nila bilang sina Popoy and Basha.

Actually, marami ngang lovers ang gumamit ng Popoy at Basha bilang terms of endearment sa isa’t isa. Meron nga kaming neighbor na ganoon ang tawagan.

Anyway, the bigger news is that when the teaser of the sequel was launched in the internet ay nakakuha agad ito ng 1.2 million views.

If that’s an indication, siguradong big box-office hit ‘yan kapag ipinalabas sa November. Posibleng malalagpasan pa nito ang kinita ng unang “One More Chance” na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga mahihilig sa Pinoy movies.

Actually, marami pa rin naman talagang fans ang dalawa na nasasabik na muli silang makita sa big screen. Lalo na si John Lloyd dahil medyo matagal-tagal na rin siyang hindi nakikita sa pelikula lalo na sa mga rom-com movies.

Read more...