Sarah sa KathNiel: Mabait sila sa akin, wala silang yabang!

sarah carlos

Dedma lang ang baguhang Kapamilya young actress na si Sarah Carlos sa mga bashers niya ngayong nagsisi- mula na siyang magkontrabida sa Pangako Sa ‘Yo bilang kaagaw ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.

Si Sarah ang gumaganap na Bea Bianca sa PSY na gagawin ang lahat maagaw lang si Angelo (Daniel) kay Yna (Kathryn). Sa interview ng Aquino And Abunda Tonight sa dalaga, sinabi niyang nasasanay na rin daw siya sa mga bashers niya sa social media, pero tina-try niyang huwag na lang magpaapekto.

Aniya, “Ang ginagawa ko is, I just focus on what I can improve on, instead of focusing on what I can’t do. And I know, both bida naman and kontrabida have bashers.”

Ang mahalaga raw kay Sarah ay ang makapag-deliver sa bawat eksena niya sa nasabing serye para hindi siya mapahiya sa kanyang direktor, sa kanyang co-stars at lalo na sa mga televiewers.

Maayos din daw ang working relationship niya kina Daniel at Kathryn, sa katunayan, wala raw siyang masasabi sa kabaitan ng mga ito, bukod pa sa super supportive sa kanya, “They’re very sweet. Sobrang bait. They never make me feel unwelcome.”

Inamin din ng dalaga sa Fast Talk segment ng A&A Tonight na mas type niya ang older guys kesa sa mga kaedad niya at ang ultimate crush niya sa showbiz ay si John Lloyd Cruz.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Sarah na gusto niyang maging tulad ni Bea Alonzo pagdating ng araw, “She’s really my inspiration pagdating sa acting.

Bilib na bilib ako sa kanya pag umiiyak na..” Bukod kay Lloydie, gusto rin daw niyang makatrabaho ang isa pa niyang super crush sa showbiz na si Piolo Pascual.

Anyway, patuloy pa ring tinututukan ng madlang pipol ang Pangako Sa ‘Yo gabi-gabi as Primetime Bida ng ABS-CBN, nananatili pa rin itong number one sa ratings game sa kanyang timeslot.

Marami pang dapat aba- ngan ang manonood sa serye ng KathNiel, kasama pa rin ang love triangle nina Jodi Sta. Maria as Amor Powers, Angelica Panganiban bilang Madam Claudia at Ian Veneracion as Eduardo Buenavista.

Read more...