SA nakaraang presscon ng X Factor Philippines ay wala ang isa sa judge/mentor na si Charice kaya hindi siya nakunan ng reaksyon tungkol sa bashers niya.
Marami na kasing naiirita kay Charice bilang judge dahil sa pambabara niya sa kapwa judges/mentors na sina Gary Valenciano, Martin Nievera at Pilita Corrales na kapag may gusto siyang sabihin ay sasabihin niya at hindi niya naisip na siya ang pinakabata sa kanilang apat.
“Feeling kasi ni Charice, ka-level niya sina Gary V, Martin at tita Pilita, kasi nga pare-pareho silang judges/mentors.
Minsan nga napapailing na lang si Gary sa kanya, pero siyempre professional naman ang lolo mo, kaya hindi na lang niya pinapatulan,” kuwento sa amin ng taga X Factor.
At sa nasabing presscon ay plano naming kunan ng reaksyon si Mr. Pure Energy tungkol kay Charice pero hindi na namin itinuloy dahil during the question and answer portion ay magaganda na ang sinabi ng mentor ng Daddy’s Home sa kapwa niya hurado.Aware si Gary na maraming galit kay Charice at kung anu-ano nga raw ang bansag sa international singer.
“The X Factor title it’s not just focused on the voice, it’s not just the singing.
Singing happens to be the avenue or the vehicle that is being used to bring somebody into that level of the X Factor champ.
“Do you remember the 7th season winner of American Idol? How about the 5th? Nobody knows that anymore.
As a matter of fact, I think one perfect example of X Factor is all the judges we start here is Charice. We’re here in the Philippines, she came in 3rd (Little Big Star, 2005).
“Maraming nag-bash sa kanya na OA daw ang mga comments niya, pero ang hindi alam ng iba, during break time, sinasabi niya kapag may mga lumalabas na contestants, sabi niya, ‘tito kilala ko ‘to.’
Sabi ko, how did you know this person? ‘Kalaban ko sila sa mga competition ko, minsan sila pa nga ‘yung nanalo, ngayon ako ang nagdya-judge sa kanila.’
“But see, Charice had the X Factor everybody hates (her), sometimes they say things about her on air, they’ll show pictures about her, sometimes we laugh at it.
“I personally laugh now because it’s funny, but I laugh at the person sending it because no matter what, she is the first Asian to come up in the billboard,” pagtatanggol ni Gary.
Isipin mo bossing Ervin, coming from ‘sir Gary’ na isa ng icon pagdating sa musika ay pawang magaganda ang sinabi kay Charice.
Sayang at hindi narinig ng personal ni Charice ang mga magagandang bagay na sinabi tungkol sa kanya baka maging nice na siya sa mga susunod niyang comment.
Samantala, naikuwento rin ni Gary na nakita niyang sobrang apektado si Charice ng mapunta sa bottom two ang isa sa ward niyang si Allen Sta. Maria,
“What a shock, something I did not believe but I looked at her and said, ‘At least you only have one in the bottom two, ako, kung sino pa ‘yung nakatikim ng standing ovation, nawala na the AKA Jam.”
Well, maski na siguro anong papuri ni Gary kay Charice ay hindi pa ring mabubura na maraming galit at iritable sa kanya.
Ganu’n naman talaga, di ba bossing Ervin, either you hate or love her.