PNoy running mate ni Mar?

aquino-roxas-660x371
Posible nga bang tumakbo sa pagkabise presidente ni Interior and Local
Government Sec. Mar Roxas si Pangulong Aquino?
Inilutang ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang tinagurian niyang “dream
ticket” dahil hanggang ngayon umano ay hindi pa pumapayag sina Sen. Grace
Poe, Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos na
maging running mate ni Roxas.
“A Mar-Noy tandem would be the dream ticket, a dream team for the
Filipino people, our bosses. A tandem that will not only win but more
importantly, would work for the next six years for the continuity of the
Daang Matuwid,”ani Barzaga.
Ayon kay Barzaga, nagpasabi na rin si Poe na huwag siyang hintayin ng
Liberal Party kaya “it would be more realistic for PNoy to be Roxas as
running mate.”
Sinabi ni Barzaga na hindi na bago sa kasaysayan ang bansa ang pagtakbo sa
mas mababang puwesto ng pangulo.
“Ex-president Joseph Erap Estrada ran for mayor in the City of Manila while
Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ran for Congresswoman in her district in
Pampanga. Therefore, there is no legal or moral impediment for PNoy to run
for vice-president,” dagdag pa ni Barzaga.
Naniniwala rin si Barzaga na masisiguro na maipagpapatuloy ang matuwid na
daan sa ilalim ng Roxas-Aquino government.
Hindi na rin umano bago sa pamilya Aquino ang pagsasakripisyo.
“History reminds us of the sacrifices of the Aquino family. Ninoy gave his
life to awaken the Filipinos from the chains of martial law invoking that
the Filipino is worth dying for. Former Pres. Corazon Aquino risked her
life by running as president against the late dictator Ferdinand Marcos for
the purpose of restoring democracy in the Philippines making herself as
transition president from martial law to democracy,” ani Barzaga.

Read more...