Tom: Perfect 10 ang sex appeal ni Megan

megan young

POSITIBO sina Megan Young at Tom Rodriguez na mag-eenjoy at maaaliw ang lahat ng Kapuso viewers sa bagong Pinoy version ng Mexicanovelang Marimar na mapapanood na simula sa Lunes sa GMA Telebabad.

In fairness, may mga nababasa kaming kanegahan tungkol sa Marimar nina Megan at Tom pero mas marami pa rin ang nagkokomento na magiging maganda ang pagtanggap ng televiewers sa kanilang tambalan.

May nagsabi pa nga na bagay na bagay ang dalawa bilang Marimar at Sergio Santibañez na ginampanan noon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Despite the pressure at sa napakataas na expectation ng publiko sa kanilang unang tambalan sa TV, pareho na lang ine-enjoy nina Megan at Tom ang kanilang trabaho.

Simula pa nga lang nu’ng mag-pictorial sila para sa nasabing serye ay talagang puro happiness lang ang nae-experience nila.

“Totoo yun, nu’ng pictorial pa lang namin sa Subic, sobrang saya na, we had a lot of fun na, yung parang hindi mo mararamdaman na nagtatrabaho kayo kasi ang gaan lang, ang sarap kasama ng mga katrabaho mo,” ani Tom sa presscon ng Marimar nu’ng Lunes ng gabi.

Sa katunayan, para lang daw silang nagbabakasyon dahil palagi silang nasa beach, “Marami kaming nagagawa na after ng work, feeling mo vacation lang, kaya ang sarap magtrabaho, inspired kang pagbutihin lagi ang mga eksena mo,” sey ni Tom.

Aminado si Tom na napakaswerte niya dahil siya ang napiling maging leading man ng kauna-unahang Miss World ng Pilipinas, at may bonus pa yang mga intimate scenes, kaya napakaraming nainggit ngayon sa aktor.

“I’m very fortunate, at napakasaya ko dahil sa dinami-dami nga ng pwedeng itambal kay Megan, ako pa ang napili nila. That’s why I don’t take it lightly, pagbubutihan ko talaga ang trabaho ko.

I will give my 101% sa proyektong ito,” sey ni Tom na talagang pinaghirapan ang kanyang 8-pack abs para naman makasabay siya sa kaseksihan ni Megan.

Ilan sa mga ginawa ni Tom para lumabas agad ang kanyang eight-pack abs ay ang halos araw-araw na pagdyi-gym at, “Pinapahampas ko ang abs ko ng arnis.

Parang ‘yung kay Manny Pacquiao. Ang sakit pala noon. Parang ang da­ling gawin ‘pag pinapanood sa TV. Pero kapag ginagawa na sa iyo, nakakaiyak sa sobrang sakit!”

For her part naman, i- namin ni Miss World na nu’ng una ay talagang naiilang pa siya kay Tom dahil hindi pa talaga sila ganu’n ka-close pero mabilis din naman silang nagkapalagayan ng loob dahil tulad niya ay madaldal din daw ang Kapuso actor.

Nilinaw naman ni Megan ang isyu na naging choosy siya sa pagpili ng magiging leading man sa Marimar, “No naman! I was excited nga, kasi napanood ko siya sa My Husband’s Lover.

So, alam kong Tom is a really great actor. Naka­work ko na naman siya in the past, kaya more or less alam ko na ‘yung work ethic niya.”

Basta ang mahalaga kay Megan ay ang pagiging professional ng kanyang mga katrabaho, “Magaling ka nga pero may attitude ka naman, di ba? Parang ang hirap ng ganu’n.”

Asahan na ang mara- ming intimate scenes sa pagitan ng dalawa sa Marimar, pero sabi ni Megan hindi pa nakukunan ang kissing scene nila ni Tom kung meron man, “It’s work naman, e.

Sa mga eksena namin, dapat feel na feel ko. Pero ‘pag nag-cut na ang direktor, balik na uli sa reality!”
Tumanggi namang pag-usapan pa ni Megan ang tungkol sa kanila ni Mikael Daez ang natsitsismis na boyfriend niya ngayon.

Nakiusap ang aktres na hangga’t maaari ay ayaw na niyang magbanggit ng ibang tao habang umeere ang Marimar dahil baka nga naman maakusahan pa siyang nanggagamit.

Samantala, nang tanu- ngin naman si Tom kung ano ang masasabi niya sa kaseksihan at kagandahan ni Megan, inamin nitong napakalakas ng sex appeal ng kanyang leading lady.

Sey nga ng aktor, bading lang ang magsasabing hindi perfect 10 ang sex appeal ni Megan. Gym at pagkain ng fruits ang ilan sa ginawang paghahanda ni Megan para sa Marimar.

Magsisimula na ang Marimar sa Aug. 24 after 24 Oras kapalit ng Pari ‘Koy. Makakasama rin dito sina Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Lauren Young, Alice Dixson, Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, Ina Raymundo, Dion Ignacio, Ricardo Cepeda, Jaya Cris Villanueva, Candy Pangilinan, Frank Magalona, Ashley Cabrera at Boobay bilang ang alagang aso ni Marimar na si Fulgoso. Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Read more...