NATUWA si Ariel Rivera nang banggitin namin sa kanya na ang mga sikat niyang awitin na “Minsan Lang Kitang Iibigin” at “Ikaw” ay madalas pa ring kantahin ngayon sa mga concert, ang huli nga ay itong kina Erik Santos at Angeline Quinto na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado.
“That’s nice, how’s the concert?” balik-tanong sa amin ni Ariel nang makorner namin siya after ng presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang Doble Kara, starring Julia Montes.
Matagal nang hindi gumagawa ng album si Ariel dahil wala raw siyang sapat na panahon para rito. Tinanong namin kung wala ba siyang offer na gumawa ng pelikula.
“Hindi ako ma-movie guy, eh, mas ma-TV. Last kong ginawa is the “Shake, Rattle & Roll”, kung may offer? Depende, I’m not that type na pipili na lang ako sa project,” paliwanag ng aktor.
Samantala, tinanong namin si Ariel kung sinasabihan ba niya ang asawang si Gelli de Belen na i-maintain ang balingkinitan nitong katawan dahil sa edad na 42 ay hindi mo aakalaing 27 pa rin ang beywang nito at maraming nagsasabing mukha lang 30 si Gelli.
Ang ganda ng ngiti ni Ariel, “Oo nga, eh, yes (sexy), I’m very proud. Wala kaming usapan na ganu’n (magpa-sexy), that’s not important naman, eh.
“It’s nice that she looks nice, she’s fit, but it’s not important. I love her because of who she is, maganda ugali niya and you know her, so wala siyang kaplastikan, so swak kaming dalawa so regardless of how she looks, suwerte na lang, she looks like that,” nakangiting sabi ng proud hubby ni Gagay.
At suwerte rin naman ni Gelli dahil fit at guwaping pa rin ang asawang si Boyong (palayaw ni Ariel) kaya tinanong namin kung nagwo-workout pa rin siya, “I try, ako kailangan kasi tataba ako pag hindi,” natawang sagot ng aktor.
Natanong din namin ang tungkol sa dalawa nilang anak na sina Julio at Joaqui kung susunod ba sa yapak nilang mag-asawa sa showbiz.
“Wala silang hilig, wala talaga. Ayaw nila (while) growing up, pag lalabas kami, ayaw nila nu’ng nagpapa-picture ganu’n, very private sila, they’re very much like me and keep to themselves and ayaw nila ‘yung masyado silang pinapansin,” sagot ni Ariel.
Nasabi namin na maganda ang pagpapalaki nina Ariel at Gelli kina Julio at Joaqui dahil parehong homebody at hindi mahilig gumimik at higit sa lahat, hindi rin mahilig gumastos, “Thank you,” saad ng aktor sa papuri namin sa dalawang anak.
“Yung panganay namin, hindi mahilig (mamili), like minsan tinanong ko na, ‘O Julio, kailangan mo ba ng shows?’ ‘Oh no, mayroon pa ako!’ Ganu’n lang siya,” natawang sabi ni Ariel.
Samantala, ang plano nila noon na mag-migrate na sa Canada ay hindi na matutuloy, “Hindi na, hindi na kami magma-migrate, pero ‘yung dalawang anak ko, lilipat na sila sa Canada next year.
Maiiwan kami ni Gelli dito, doon na sila mag-aaral next year. “Nandoon mga kapatid ko, may bahay kami ni Gelli doon, so doon sila titira with my pa- rents, marami naman slang guardians, siguro in between work we will visit them,” kuwento ng aktor.
Pagdating daw ng Canada next year ay grade 12 at grade 11 na ang dalawang bagets at kaya raw niya gustong doon pag-a- ralin ang mga anak, “Mas maganda ang college doon with better opportunities, you know.”
Ilang dekada na naming kakilala si Ariel, simula nang madiskubre siya ni Boy Abunda ay hindi pa rin nagbago ang ugali ng singer-actor as in mailap pa rin pagdating sa interbyuhan na kung hindi pa namin tinawag ay hindi pa magpapainterbyu, “Akala ko kasi, tapos na (interview) pagkatapos ng presscon, may one-on-one pa pala,” natatawang sabi nito.
Samantala, wala ring pakialam si Ariel kung anong time slot ilalagay ang Doble Kara kung sa hapon o gabi dahil ang katwiran niya ay alam daw ng Dreamscape Entertainment kung saan ito nararapat.
Oo nga naman!