Jinggoy pinahihinto sa yosi

jinggoy
Pinahihinto na ng mga doktor si Sen. Jinggoy Estrada sa paninigarilyo at pinababago na ang kanyang diet.
Ito ay ayon sa medical report na isinumite Cardinal Santos Medical Center sa Sandiganbayan Fifth Division matapos ang isinagawang medical examination kay Estrada. Pirmado ito nina Dr. Mikko Yamanaka at Dr. Regina Bagsic
Si Estrada umano ay mayroong mild coronary artery disease kaya inirerekomenda rin ang pagdaragdag ng physical activity, paghinto sa paninigarilyo, low calorie diet at mga follow-up checkup.
Ang senador ay pinayagan ng korte na makalabas ng kanyang detention cell sa Philippine National Police Custodial Center sa Quezon City.
Normal ang findings sa karamihan sa mga isinagawang pagsusuri kay Estrada gaya ng blood chemistry, neurological exam, chest CT scan, ECG, 2D echo at esophagogram.
Nakitaan naman siya ng mild prostate enlargement, renal cortical cysts, distal esophageatis, at erosive gastropathy.

Read more...