Sulat mula kay Roselyn ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon
Problema:
1. Dala ng kahirapan ay nahinto ako ng pag-aaral pero sana ay second year college na ako sa ngayon. Teacher sana ang pangarap ko na maging propesyon. Sa nga- yon ay nagta-trabaho ako sa tindahan ng gamot bilang tindera at sinisikap kong makaipon ng pera para makapag-enrol sa susunod na pasukan.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang matupad ko ang pangarap kong maging guro na siya ring pangarap para sa akin ng mga magulang ko. Kaya lang pareho silang wala na sa ngayon at sa kasalukuyan ay sa mga lola at lolo ko na lang kami nakikitira. November 26, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Roselyn ng Valencia, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t patuloy ka lang na magsikap hindi makapapanaig sa buhay mo ang kabiguan sa halip sa sandaling nakapag-enroll ka ng college tuloy-tuloy ka ng makapag-aaral hanggang makatapos ng kursong education.
Numerology:
Ang birth date mong 26 ay nagsasabing sa tulong ng dalawang lalaking isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 5, 14, at 23, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2016 sa edad mong 22 pataas magsisimula na ang iyong napaka-gandang career, magiging working student ka hanggang sa maka- tapos ng pag-aaral.
Graphology:
Masyado mong kinulong sa malalaking bilog ang iyong lagda kaya nawawalan ka ng tiwala sa iyong sarili. Huwag mo na kasing ibalikwas pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong lagda, sa halip ihapay mo ito patungong kanan. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka nang uunlad at magtatagumpay.
Huling payo at paalala:
Roselyn ayon sa iyong kapalaran naka-ayos na ang magaganap, sa tulong ng dalawang lalaki magkakaroon ka ng pang-enroll sa susunod na pasukan June 2016 at sa sarili mo ring pagsisikap na makapag-trabaho habang nag-aaral paglipas ng mga limang taon pa, sa year 2021, sa edad mong 27 pataas, tuluyan ka ng makakatapos ng kursong education, makakapasa sa board exam hanggang sa kusa mo ng matupad ang pangarap mong maging isang magaling at huwarang guro.