Babala kay Wally: Mag-ingat sa AlDub fans

jose manalo

Rater din at phenomenal talaga ang tambalang AlDub na kahit mga celebrities ay aliw na aliw sa mga eksena nila sa Eat Bulaga.

Nu’ng makapanayam namin si Wally Bayola na isa rin sa dahilan ng success ng kalyeserye ng noontime show bilang si Lola Nidora, naikuwento nitong kahit siya ay nagulat sa tagumpay ng Alden Richards-Maine Mendoza characters.

“Ang dami na naming nagawa sa Eat Bulaga, pero isa na ito sa talagang nagpatindig ng balahibo ko pagdating sa lakas ng following at popularity. Ini-enjoy na lang namin,” sey pa ni Wally.

On the other hand, gustong ipaalam ni Wally sa kanyang “haters” ng kanyang karakter as Lola Nidora na sa TV lang daw siya ganu’n.

Medyo worried daw kasi siya lalo na sa mga batang fans ng AlDub na kung hindi siya tinatawag na monster at inaaway ay personal niyang nararanasan ang makurot, masaktan, maitulak at mahambalos dahil akala nga raw ng mga bagets ay ganu’n siya kasama in real life. Ha-hahahaha!

Oo nga naman, huwag nating personalin si Wally sa pagiging magaling na kontrabida sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Read more...