Goma umaming nambabae kaya hiniwalayan ni Dawn

richard gomez

Kung hindi kami nagkakamali first time yatang ibandera sa harap ng milyun-milyong viewers ng dating magdyowa na sina Dawn Zulueta at Richard Gomez kung bakit sila naghiwalay noon.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday, game na game na sinagot ng dalawang bida ng pelikulang “The Love Affair” ang mga tanong tungkol sa kanyang break-up.

Kasama rin nilang nag-guest sa GGV ang co-star nila sa movie na si Bea Alonzo. Tinanong ni Vice sina Dawn at Richard kung bakit sila naghiwalay, agad-agad na sumagot si Goma na nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon dahil na-involve siya sa ibang babae habang sila pa ng aktres.

Inamin din ni Dawn na kilala niya kung sinu-sino ‘yung mga “other women” ni Goma pero hindi na siya nag-effort para komprontahin o awayin ang mga ito.

Nagdesisyon na lang daw siyang hiwalayan ang mister ni Cong. Lucy Torres. Pero sabi nga ng dalawa, it’s all in the past.

Magkaibigan na raw sila ngayon at napakaganda ng kanilang working relationship together. Sey ni Dawn, kung hindi raw sila okay at kung hindi sila friends, malamang na wala silang pelikula ngayon at hindi rin sila magbibida sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Read more...