Roxas, Poe nag-usap ng ilang oras

roxas-poe
KINUMPIRMA kahapon ng Interior Secretary Mar Roxas na nakipagpulong siya kay Sen. Grace Poe sa harap ng mga espekulasyon kung sino ang kanyang magiging running mate sa 2016 presidential elections.
“Nagkita kami ni Senadora Grace. Maayos ang aming paguusap,” sabi ni Roxas matapos ang kanyang pagbisita sa sa Camp Vicente Lim, Laguna kung saan namahagi siya ng mga patrol jeep sa walong mga probinsiya.

Tumanggi namang magbigay ng detalye ni Roxas.

“Sa amin na muna ‘yon,” dagdag ni Roxas.

Matatandaan na inimbitahan ni Roxas si Poe sa telebisyon para maging kanyang bise presidente.

Ayon naman sa isang source, nagpunta si Roxas sa bahay ni Poe noong Linggo.

“It (has been) previously offered already. ‘Yung pagbabago lang mula noong huli naming pag-uusap ay na-endorse na tayo ng Pangulo,” ayon pa kay Roxas nang tanungin kung inalok niya si Poe na maging kanyang ka-tandem.

Sinamahan sina Roxas at Poe sa kanilang pag-uusap ng asawa ng huli na si Teodoro “Neil” Llamanzares.

Sinabi pa ni Roxas na pagkatapos ng kanilang pag-uusap na tumagal ng ilang oras, nakatakda silang mag-usap muli ni Poe sa susunod na mga araw.

Read more...