Giyerang Angelica-Jodi sasabog na sa Pangako Sa ‘Yo

jodi sta maria

Nananatili pa ring wagi sa puso ng TV viewers ang top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Pangako Sa ’Yo. Patuloy ang all-out support ng KathNiel fans all over the world sa number one primetime series sa ABS-CBN.

Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Agosto 10), pumalo ang teleseryeng pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng national TV rating na 32.1%.

Samantala, tiyak na mas mapapakapit gabi-gabi ang viewers ng Pangako Sa ‘Yo sa pag-init ng tensyon sa pagitan nina Amor (Jodi Sta Maria), Eduardo (Ian Veneracion) at Claudia (Angelica Panganiban).

Magtatagumpay ba si Amor sa plano niyang paghihiganti o magagawa ba muli ni Claudia na sirain ang kanyang buhay? Matutulungan ba ni Yna (Kathryn) si Angelo (Daniel) sa pakikipag-ayos nito sa pamilya ni Bea Bianca (Sarah Carlos)?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng Nathaniel sa Primetime Bida.

Read more...