Nadagdagan na naman ang sandamakmak ng acting awards ni Coco Martin. Siya ang tinanghal na Best Actor of the Year sa ginanap na 2015 Ecuk Circle Awards nitong weekend sa University Theather ng UP Diliman.
Grabe ang lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang university sa bansa nang pumagitna na sa stage si Coco para tanggapin ang kanyang tropeo .
In fairness, kahit nga napakarami na ng awards na natanggap ng Kapamilya Teleserye King ay halatang kinakabahan pa rin si Coco sa pagtanggap niya ng nasabing parangal.
“Lagi po ganu’n every time na may tatanggapin tayong award lalo na ito na mga students ang naka pansin sa atin malaking bagay po ito dahil sila ang mga nakakapanood ng mga pelikula at serye na ginagawa natin ngayon,” chika ng award-winning actor.
Si Coco ang last celebrity na binigyan ng parangal that night, pero talagang hinintay pa rin siya ng audience at ng event organizers para makita siya up close and personal.
Sa ngayon, busy si Coco sa ta- ping ng bagong serye niya sa ABS-CBN na Ang Probinsyano na unang ginampanan sa pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr..
“Marami na kaming nakuhanan na malalaking eksena at masisiyahan sila dahil karamihan sa mga ito nga- yon lang ginawa para sa TV.
Dapat talagang extra effort tayo dito kasi po ipinagkatiwala sa atin ang isang obra na pinag bidahan noon ni FPJ,” sabi pa ni Coco sa interview ng ABS-CBN.
Nakatakdang magsimula ang seryeng Ang Probinsyano sa Kapa- milya Network sa darating na Setyembre.