AYAW na ng bonggang-bonggang wedding ni Zsa Zsa Padilla. Kung siya raw ang masusunod, mas type niya ang simple at intimate wedding kapag ikinasal na sila ni Architect Conrad Onglao.
Sey ng Divine Diva, totoong wala pang pormal na proposal ang kanyang boyfriend pero sigurado na siyang next year na magaganap ang kasal.
“Wala pa, he hasn’t formally proposed to me so hintayin natin. Pero next year na yun. Why Italy? Siya ang may gusto, dream niya yun,” ani Zsa Zsa isang TV interview.
Sey pa ni Zsa Zsa, “Personally, I just want to be with my family, simpleng-simple lang. May edad na tayo, 51, ‘di ba? Sa second marriage ko, ayoko na ng masyadong bongga, simple lang, I really want it simple.”
Wala na ring problema sa mga anak nina Zsa Zsa at Conrad sa mga dati nilang partners, sabi nga ng Divine Diva sa nasabing panayam, “Naghihintay si Karylle na mamanhikan, we haven’t atalked about it. Alam naman nila na dream namin na umabot kami dun.”
Tungkol naman sa pamilya Quizon na naging malapit din kay Zsa Zsa dahil sa yumao nitong partner na si Mang Dolphy, partikular ang mga anak nitong sina Eric at Vandolph, wala pa raw silang napag-uusapan ni Conrad hinggil dito.
Kamakailan ay nagsalita si Vandolph na handa siyang pumunta sa kasal ni Zsa Zsa kung iimbitahin siya nito, “You know what, ‘di naman tumitigil (yung magandang relasyon) porke’t namatay ang dad nila, yung relationship namin ng Quizon family.
Kaya lang lately, wala pa kaming get-together. If they can come (sa kasal), I don’t know, wala pang plans.”