MULING dadayuhin ng mga triathletes ang malaparaisong Pico de Loro Beach and Country Club sa Hamil Coast, Nasugbu, Batangas para sa Aboitiz TRI2015 sa Setyembre 12.
Ito ang ikalawang sunod na taon na magpapakarera ang Aboitiz sa triathlon at ginawa nila ito matapos makita ang buti ng event sa pagsulong sa magandang kalusugan.
Ang Bike King ang siyang mangangasiwa sa karera na suportado pa ng AboitizPower, Union Bank at WeatherPhilippins bukod sa tulong ng Orbea at Sante Barley.
Para magkaroon ng pagkakataon ang mga sasali sa Olympic distance race (1.5k swim, 40k bike, 10k run) ay sa ganap na ika-2 ng hapon lalarga ang karera na magsisimula sa Pico de Loro at dadaan ng Nasugbu-Ternate Highway.
Magpapahirap sa mga kasali ang ahon papalabas ng Pico de Loro sa bike leg.
“Aboitiz believes in doing well by doing good-always making the right long-term decisions that balance the interests of people, planet and profit. By joining Aboitiz TRI2015, you help create a more sustainable future through a healthy and active lifestyle,” wika ni Erramon I. Aboitiz, AEV President at Chief Executive Officer.