Rest day na sana ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan today kaya lang meron lang siyang kakantahan early this afternoon bago ko siya patutulugin ulit.
Naimbitahan kasi siya ng kaibigan nating si Ms. Ina Alegre para mag-perform sandali para sa maraming estudyante ng Ateneo de Manila University for a certain noble event.
Nagkasabay-sabay lang kasi ang mga commitments ng baby natin kaya naaawa naman ako sa kaniya dahil bitin palagi ang rest niya.
Ganoon talaga eh – that’s the price he has to pay for joining showbiz, di ba? Ha-hahaha! Nagkasabay-sabay kasi ang rehearsals niya for his “Kanser@35 (The Musical)”, ang “Kilabot Meets Kilabot” concert niya sa Music Museum on Aug. 29 with the original Kilabot Ng Mga Kolehiyala Hajji Alejandro as his very special guest at isang napakalaking event na almost daily ang rehearsals.
Katatapos lang niya ng movie version ng hit song niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” at two songs to go na lang para matapos na rin ang second album niya under Star Music.
Meron pa siyang schedule for his Harana group and mga out of town singing engagements na natanguan namin in the past kaya sobrang busy talaga ng baby natin.
“Wala tayong karapatang mag-complain, ‘Nay. Mas gusto ko itong busy ako kaysa naman nakatulala lang ako sa bahay at naglalaro ng computer maghapon, di ba? Tsaka kaya ko naman eh.
Masarap magtrabaho lalo pa’t napapaligiran tayo ng beautiful people around. ‘Yung very positive ang outlook. Kaya I always look forward to my next schedule every day.
I enjoy it so much,” ani Michael nang kumustahin ko siya kung okay lang siya’t tinatambakan ko ng maraming work.
“Basta ba nakakatulog ako at nakakapag-gym, oks na ako. Healthy naman ako so far at hindi na ako naggigimik. Good boy na kasi ako. Mas focused ako sa career ko ngayon compared to before.
Nagkasabay-sabay lang ngayon pero maaayos din natin ang schedules natin once plantsado na ang mga shows natin. Don’t worry – nothing to worry, ‘Nay”, paniguro ng anak natin.
O e, di, wow! Ha-hahaha! Abangan niyo lang si Michael sa isang malaking pasabog in the next days kaya wag kayong bibitaw, ok? Mwah!