Horoscope, August 16, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Habang patuloy na gumaganda ang panahon at umaaraw, tuloy din ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, wag pang hinaan ng loob, gawin agad ang magagandang binabalak. Mapalad ang 4, 19, 27, 35, 44, at 49. Maghiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Yellow at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hannggat may buhay umibig ka ng umibig at magmahal, bandang huli makakatagpo ka rin ng suwerte. Mapalad ang 3, 6, 15, 25, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Matutong makuntento upang lumigaya, hindi dapat hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa mag hanap ng iba, mmayang gabi piliting painitin ang kasuyong nanlalamig. Mapalad ang 9, 7, 18, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Green at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Mas madaling uunlad at yayaman, kung sa iisang direksyon lang itutuon ang isipan – pagkakaperahan! Sa pag-ibig, isipin mo kung paano mo matuturuang magnegosyo ang iyong kasuyo upang mas mabilis kayong umunlad at umsenso. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” White at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Malulutas ang problema kung hihingi ng suwestyon sa isang kaibigan. Isang Scorpio ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 2, 16, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Silver at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Ganon paman tandaang kapag dumami ng dumami ang iyong pera, lalong mas kailangan mong magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 14, 23, 33, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Orange at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Wag mag-aksaya ng oras, salapi ang katumbas ng bawat sandali. Tandaang dalawang bagay lang ang mahaga sa mundo ito: “pera at pamilya.” Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Malapit na ang “ber month” ngayon palang iplano na ang nalalapit na kapaskuhan. Mas makatitipid kung ngayon palang mamimili na ng mga pang-regalo. Hintaying mag-bargain ang mga department store, yayain ang kasuyo na mamali. Mapalad ang 6, 15, 25, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Taam-Kale-Om.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 23) – Sa araw na ito kailangang lagi kang maging optimista, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa bawat tampuhang nararanasan, sa muling pagbabati lalo pang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 6, 18, 34, 39, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Arjuna-Om.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Sa business site, magdaos ng isang prayer meeting upang umangat ang kita. Sa pag-ibig, imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 9, 19, 28, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Om.” Violet at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Basta’t tuloy-tuloy ka lang na kumilos lalong madadagdagan ang kita. Sa pag-ibig, sisigla ang relasyon kung hahaguran ng mainit na halik ang kasuyo sa leeg at laging bibigyan ng pera. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Name-Aum-Name.” Gray at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Kung laging paiiralin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Maging mabait sa iyong mga tauhan. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal, upang mawala na ang tampuhan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Panahon na upang mag-abroad. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” White at pink ang buenas.

Read more...