Dear Aksyon Line,
Ako po si Jonathan de Guzman ng Malibay, Pasay City na nagtatrabaho sa isang construction company sa Bulacan bilang site engineer. Ka ga- graduate ko lang ng kursong civil engineer, two years ago pero maswerteng nakapasa agad sa board exam kaya nakapagtrabaho naman agad. Sa ngayon ay kahit papaano ay natutulu-ngan ko na rin ang mga magulang ko kaya naman gusto ko sanang ako na lang ang magbayad kung pwedeng ipagpatuloy ang SSS contributions ng aking ama siya po ay 58 years old na at may 26 months pa lang po ng contributions, pwede po ba siya na makapag pension ng 60 years old niya. Please help me?
Salamat po,
Jonathan
Napaganda ng iyong intensyon na matulungan ang iyong mga magulang Jonathan ngunit manga-ngailangan pa ng halos walang taon o 94 months contributions para mapunan ang 120 months contributions para makatanggap siya ng pension.
Dalawang taon na lamang at mag 60 years old na ang iyong ama ngunit hindi pa ito maaaring makatanggap ng pension dahil kinakailangang mabayaran ang 94 months na kakulangan o pitong taon at sampung buwan na pagbabayad sa buwanang contributions sakaling simulan na ang paghuhulog ngayon o sa susunod na buwan.
Kung ang iyong desisyon ay ituloy ang paghuhulog, maaari magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS para sa pagpapatuloy ng payment o kung may karagdagan pang katanungan.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Jonathan. Salamat.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer ,Media Affairs Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.