Danica, LJ: Napakasakit nang nangyari kay Mariel!
DASAL at pakikisimpatya lang ang maaaring ibigay nina Gelli de Belen-Rivera, LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris sa kaibigang si Mariel Rodriguez matapos nga itong makunan.
Ayon sa tatlong kasamahan ni Mariel sa morning talkshow ng TV5 na Happy Wife, Happy Life bilang hosts, alam nilang walang comfor- ting words na maaaring makapagpalubag sa kalooban ng isang babaeng nawalan ng anak.
Ito na raw yata ang pinakamasakit na maaaring mangyari sa isang ina. Kahapon sa presscon ng season 3 ng Happy Wife, Happy Life, nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Gelli, LJ at Danica para kay Mariel.
Ayon kay Gelli na magi- ging regular host na rin ng nasabing talkshow matapos itong humalili pansamantala kay Mariel, “Sobrang nakakalungkot.
Hindi ko alam kung may mga salita na pwedeng makagaan sa dinaramdam ngayon ni Mariel. But we will pray for her, let’s give them time and space para maka-recover silang mag-asawa.”
Chika naman ni LJ, “Sobrang painful sa isang babae na mawala ang baby sa kanyang sinapupunan. But I’m sure, later on, in God’s time, I know may plano si God para sa kanilang dalawa.
Eventually, there will be a good news for them. Tulad nga ng sinabi ni ate Gelli, just pray at huwag mawawalan ng pag-asa.”
Ayon naman kay Danica, “We are really praying for her. Sabi ko nga, may purpose kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa buhay natin.
Ang mahalaga, ay kung paano tayo babangon. Napakasakit talaga ang nangyari kay Ma (tawag nila kay Mariel) and kay Robin, pero nandito lang kami para sa kanila. Continue praying.”
Speaking of Happy Wife, Happy Life season 3, permanenteng host na ng programa si Gelli de Belen kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagse-share niya ng kanyang mommy expertise sa reality-lifestyle show ng TV5.
Hindi na bago ang pagiging host kay Gelli kaya siguro swak na swak siya agad kina Danica at LJ na naging bahagi na rin ng bawat tahanan sa nakaraang dalawang season.
Patok na patok sa viewers ang mga nakatutuwa at nakaka-inspire na segments ng show. Maraming ng nagawang show si Gelli sa Kapatid Network pero sa Happy Wife, Happy Life Season 3 mas makikilala pa ng kanyang fans ang kung paano nga ba niya nagagampanan ang pagiging asawa, ina at working mom.
Magse-share rin siya ng kanyang mga experience at kwento bilang isang ina at asawa. Ang Happy Wife, Happy Life ay magbibigay ng mga bagong segments para sa ikatutuwa at ikatututo ng manonood tulad ng Misis Day Out, Happy Chat, Eats Happy Trip, at marami pang iba.
Objective ng programa na bigyan ng isang show kung saan matuto at malilibang ang mga babaeng humaharap sa araw-araw na pagsubok ng pagtaguyod ng kanilang mga pamilya.
Mapapanood pa rin ang Happy Wife, Happy Life Season 3, Lunes hanggang Biyernes, 10:15 a.m. sa TV5.
Samantala, nilinaw naman ng production ng show na hindi nila inaalis si Mariel bilang host ng show.
Maaari pa rin daw bumalik dito ang misis ni Robin anytime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.