Gelli ayaw mag-pose sa Men’s Magazine: Nakakahiya sa asawa at mga anak ko!

gellie de belen

Kung siya ang masusu- nod, pwede naman daw mag-pose sa men’s magazine si Gelli de Belen. Actually, matagal nang pinipilit ang misis ni Ariel Rivera para maging cover girl.

Sa edad kasi ngayon ni Gelli at kahit meron na siyang dalawang binatang anak, ay ang seksi-seksi pa rin niya. Napanatili niya ang kanyang balingkinitang katawan after all these years.

Pero sey ni Gelli, kailangan din niyang i-consider ang kanyang asawa at mga anak (16 ang panganay at 14 naman ang bunso). Aniya, “Binata na ang mga dyunakis.

Tsaka baka hindi kayanin ng stretchmarks ko! Ha-hahaha! But honestly, nakaka-flatter naman yung offer na ganyan. Pero it’s not something I can do, e.

Alam n’yo naman ang panahon ngayon, siyempre my kids. Imagine kung anong sasabihin sa kanila ng friends nila pag nakita nila yung nanay nila na nasa men’s magazine?

“Feeling ko hindi nila kakayanin! Ha-hahaha! E, di lalo na ang asawa ko. Kasi medyo conservative talaga si Ariel.

Baka kapag lumabas na ang magazine, pagpasok ko pa lang ng bahay, ‘Mag-empake ka na!’ Ha-hahaha! Pinalayas!” chika pa ni Gelli. – EAS, Djan Magbanua

Read more...