Quantcast
Home » 29th Southeast Asian Games You are browsing entries tagged with “29th Southeast Asian Games”

4 SEA Games gold hangad ni Cray

NAKATUTOK sa apat na gintong medalya si Fil-heritage Eric Shawn Cray sa gaganaping 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19 hanggang 31. Kinumpirma mismo ni Cray bago magbalik sa Texas, USA na nais niyang magtala ng record sa 29th SEA Games bilang unang Pilipino na nakapag-uwi ng apat na ginto sa […]

Posted in Sports | Read More »

PH women’s volley team hindi na sasali sa Asian Under-23 Championship

PALALAMPASIN ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) ang pagsali sa Asian Women’s Under-23 Championship na itinakda sa Mayo 13 hanggang 21 sa Nakhon Ratchasima, Thailand upang makapagkonsentra na lamang sa paghahanda para sa paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31. Ipinaliwanag ni LVPI acting president Peter Cayco […]

Posted in Sports | Read More »

29th SEA Games Baton Run sa Pilipinas naging matagumpay

IKINASIYA at lubhang napabilib ang mga opisyales ng 29th Southeast Asian Games host Malaysia sa makulay at simbolikong pagsasagawa ng Pilipinas sa SEAG Baton Run Linggo. Ito ay matapos matagumpay na naisagawa ng Philippine Sports Commission, Malaysia Ministry of Youth and Sports at Malaysia Embassy sa bansa ang Rising Together – Baton (7.7K) Run 2017 […]

Posted in Sports | Read More »

PH cue artists mag-aagawan sa SEA Games slots

MAGSASAGUPA ang mga premyadong cue artist na miyembro ng pambansang koponan para pag-agawan ang mga silya sa billiards events sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Napag-alaman mismo kay Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) secretary-general Robert Mananquil kahapon matapos na ihayag ang matira-matibay na pagsasalpukan ng mga pambansang cue artist […]

Posted in Sports | Read More »

POC nagtalaga na nang PH SEAG chef de mission

NAGTALAGA ang Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board Biyernes ng hapon ng magsisilbing Team Philippines chef de mission sa 29th Southeast Asian Games subalit nagkaroon ng kaguluhan kung sino kina Robert Bachmann ng squash at Cynthia Carrion-Norton ng gymnastics ang totoong napili. Ito ay matapos na magkaroon ng kalituhan kahapon sa pagpupulong ng pribadong organisasyon […]

Posted in Sports | Read More »

PH volleyball training pool sisimulang piliin

UUMPISAHAN na nina national men’s volleyball coach Sammy Acaylar at women’s team coach Francis Vicente ang pagpili sa mga manlalarong bubuo sa pambansang koponan na sasabak sa 29th Southeast Asian Games. Ang three-day tryout ay sisimulan sa ganap na alas-6 ng umaga para sa mga nagnanais mapabilang sa national men’s team habang ala-1 ng hapon […]

Posted in Sports | Read More »

PH track cycling team hindi makapag-ensayo sa velodrome

DAPAT ay nasa velodrome subalit sa kalsada na lamang nagsasanay ang Philippine Track Cycling Team. May kabuuang anim na buwan na lamang ang natitirang panahon para sa paghahanda ng Philippine Track Cycling Team subalit walang lugar na mapagsasanayan ang pambansang koponan para sa nalalapit nitong pagsabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia […]

Posted in Sports | Read More »

5 bagong sports ipapasok sa 29th SEA Games

DALAWANG sports na hindi nilalaro sa bansa na cricket at tarung derajat ang agad na magbibigay bentahe sa host na Malaysia hindi pa man sinisimulan ang 29th Southeast Asian Games. Kabuuang 38 sports ang paglalabanan sa ika-29 edisyon ng SEA Games kabilang ang limang bagong saling sports na kinabibilangan ng kakaibang laro na bridge at […]

Posted in Sports | Read More »

PH SEA Games delegation sasalain sa Enero 6-7

ISA-ISANG sasalain ng pinagsamang Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) Task Force Southeast Asian Games sa Enero 6 at 7, 2017 ang lahat ng mga pambansang atleta na kabilang sa 650 katao na nasa listahan ng mga posibleng makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games. Itinakda mismo ng joint […]

Posted in Sports | Read More »



TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement