Quantcast

Showbiz

You are here: Home > Balita > Showbiz

 

Kaya raw natalo sa isinampang kaso

Kaya raw natalo sa isinampang kaso

DATING ALALAY NI JENNYLYN MERCADO KINAMPIHAN NG MGA TAGA-BANGKO

Kaluluwa ni Rejoice di pa rin matahimik

KAHAPON sa Paparazzi ay tinalakay ng programa ang pagkakapawalang-sala ng korte kay Mel Pulmano, dating PA ni Jennylyn Mercado, na sinampahan ng kasong estafa at falsification of public documents ng aktres at ng manager nitong si Becky Aguila.

Pagkatapos niyang makulong nang isang taon at tatlong buwan ay ginanap ang promulgasyon ng kanyang kaso, absuwelto ang dating PA ni Jennylyn, dahil ayon sa korte ay hindi napatunayan ng mga nagdemanda ang pagkakasala ni Mel.

Sinabi ng korte na hindi nakayang buuin nina Becky at Jennylyn ang mga senaryo para madiin si Mel, sinabi ni Jennylyn na hindi raw nito pirma ang nasa kanyang mga tseke, pero hindi naman nito sinabing si Mel ang nameke ng kanyang pirma.

Sinabi naman ni Becky Aguila na si Mel Pulmano nga ang nanggaya sa pirma ni Jennylyn sa tseke, pero hindi nito nakita si Mel habang nasa aksiyon ng pamemeke, kaya para sa husgado ay walang bigat ang kanilang mga akusasyon.

Isang kaso pa lang ang nalulusutan ni Mel, may dalawa pang kasong natitira na kailangan dinggin sa husgado, sina Jennylyn at Becky pa rin ang nag-akusa sa kanya.

Lalong gumiwang ang pangdidiin ng manager-talent kay Mel dahil sa sinumpaang salaysay ng mga empleyado ng bangkong pinagdedeposituhan ni Jennylyn.

Sinabi ng mga ito na pirma ni Jennylyn Mercado ang nasa tseke, hindi palsipikado, dahil pinag-aralang mabuti ng mga ito ang specimen signature ng aktres nu’ng magbukas ito ng account sa kanilang sangay.

Ayon kina Becky at Jennylyn ay umabot sa halagang mahigit na P460,000 ang nakuha ni Mel Pulmano sa account ng aktres dahil sa mga pinekeng pirma, isang katwiran na kinontra ng mga empleyado ng bangko, dahil original na signature ni Jennylyn Mercado ang lumalabas sa mga piraso ng tsekeng isinumite nina Becky at Jennylyn sa husgado.

Sa probinsiya na naninirahan ngayon ang asawa at mga anak ni Mel, iyak nang iyak ang kanyang dalagitang anak dahil sa sakit ng kalooban sa nangyari sa kanyang ina, nagbago ang pagkakilala nito noon kay Jennylyn na ayon sa anak ni Mel Pulmano ay mabait.

Maganda rin ang mensahe ng asawa ni Mel, nasa huling sultada na sila ng laban, kaya sana’y huwag bibitiw si Mel sa kanyang paninindigan.

Sa Miyerkoles nang gabi ay mapapanood na sa Star Confessions ang istorya ng buhay ni Dianne Santos, mas kilala sa pangalang Rejoice Rivera, na natagpuang patay sa isang gilid ng NLEX nu’ng malapit nang maghiwalay ang taon.

Sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kanyang inang si Mommy Nieves ay mas makikilala ng publiko ang miyembro ng Baywalk Bodies na walang kibo, simpleng-simple lang, at may matinding pangarap na mapagtapos ng Medisina ang kanyang bunsong kapatid.

“Tapos na ng Nursing si Mik, nakapasa na rin siya sa board, pero ang gusto ni Dianne, ang makapagtapos ng Medicine ang bunso niyang kapatid. Nanghihinayang kasi siya sa katalinuhan ng kapatid niya,” kuwento ni Mommy Nieves.

Napakaemosyonal ng kuwento tungkol sa pagkapaslang kay Rejoice, hanggang ngayo’y wala pang katahimikan ang pamilya ng dalaga, hanggang hindi raw nahuhuli at napaparusahan ang gumawa nu’n kay Rejoice ay hindi matatahimik ang kanilang kalooban.

“Hindi pa kami nakakaiyak nang todo, pigil na pigil pa rin kami, sinasarili lang muna namin ang lahat-lahat. Napakasakit mawalan ng anak, ako dapat ang ihinahatid niya sa huling hantungan, pero sa kaso namin, ako ang naghatid sa kanya,” nanglalamig ang mga palad na pahayag ng ina ni Rejoice Rivera.

Ang Star Confessions ay napapanood tuwing Miyerkoles nang gabi sa TV5 pagkatapos ng Willing Willie. Gusto naming pasalamatan si direk Paolo Aquino, direktor din namin sa Juicy, sa pagdidirek ng aming mga spiels sa kuwento ng buhay ng pinaslang na si Rejoice Rivera.

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags