Quantcast

Mainit-init Pa

You are here: Home > Balita > Mainit-init Pa

 

Negosyong pagpapautang

Negosyong pagpapautang

KAPAG matamlay ang ekonomiya at kapos sa pera ang nakararami ay namamayagpag ang negosyong pautang o patubuan.

Marami kasi ang gustong magpundar ng maliit na negosyo, naghahanap ng sideline o nagbabaka-sakali mag-abroad. Lahat ng ito ay nangangailangan ng puhunan sa lalong madaling panahon. Dahil dito ay paboritong puntahan ng mga tao ang mga lending company at mga indibidwal na nagpapautang.

Bukod sa mabilis magbigay, maliit ang tubo at walang maraming requirements na hinahanap.

Kung may sapat kang puhunan at kaya mong makipagsabayan, baka ito na ang negosyong para sa iyo.

Legal naman ang magpautang kahit walang permit basta huwag lang napakalaki ng tubo, at huwag ding gagamitin ang katagang “lending company” sa pangalan ng negsosyo mo kung gagawin mo itong negosyo.

Maliban sa konting tubo, walang ipinagkaiba ito sa pagpapautang ng pera sa isang kaibigan o kakilala na pinagkakatiwalaan mo. Subalit habang dumadami ang pinapautang mo, lumalaki ang peligro sa iyo bilang negosyante.

Kung gusto mo ng legal, matatag at mas sistematikong paraan ng pagpapautang, bakit hindi mo tuklasin ang Micro-lending Business na ituturo sa seminar ng Technology Resource Center (TRC) sa November 16? Isang araw lang ang seminar, subalit hitik ito sa impormasyon.

Ayon sa Lending Act of 2007, korporasyon lang ang papayagang pumasok sa negosyong lending company na may mga miyembrong hindi hihigit sa 19 na investor. Isang milyong piso naman ang minimum o pinakamaliit na puhunang pahihintulutan. Sa ganitong set-up, lubhang mas maliit ang peligro para sa mga mamumuhunan, mas produktibo ang management sa pondo, mas matatag ang kita at, higit sa lahat, mas maraming tao ang potensyal na matutulungan.

Kung may sapat na pondo na kayo ng mga kasama mong mamumuhunan, pwede n’yo nang irehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang inyong lending company. Siyempre pa, kailangan din ng iba pang mga karaniwang legal na sertipikasyon gaya ng sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Mayor’s Permit, at kung may empleyado ka, Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Payo ng mga TRC resource speakers, maliit lang muna ang halagang ipautang sa umpisa. Para makarami ka agad ng kliyente, pwede kang makipag-ugnayan sa mga job agency o sa mga human resources department ng mga kompanya. Pwede kang mamahagi ng maliit na porsyento sa kompanya bilang komisyon. Sa ganitong operasyon, kakailanganin mo ng kahit tatlo man lang na full-time employees. Isang taga-proseso ng utang, isang taga-singil, at isang bookkeeper.

Sa seminar ng TRC, tinatalakay ang Lending Act at Financing Act. Gayon din ang iba’t-ibang uri ng microloans, kung ano ang ipinagkaiba ng simple interest sa effective interest rate, at tamang mga paraan ng pag-kwenta sa mga ito. Itinuturo rin ang kaibahan ng micro-lending kumpara sa credit cooperative. May detalyadong pagtalakay din sa sa mga hakbang sa pagpapautang, at iba’t-ibang dokumento na ginagamit dito.

Ang TRC ay nakatakdang magsagawa ng sumusunod na mga kursong pangkabuhayan sa buwang ito:

Assorted Brownies, Cookies &amp Bars (Nov. 4-5)

Tilapia Culture (Nov. 4-6)

Trendy Balloon Decors (Nov. 6)

Food Service Management (Nov. 6-9)

Setting Up a Travel Agency (Nov. 7)

Herbal Bath Soap (Nov. 7-8)

Setting Up a Junkshop Business (Nov. 8- 9)

Accounting &amp Record Keeping for Small Business (Nov. 9-10)

Basic Meat Processing (Nov. 9-10)

Setting Up a Hardware &amp Construction Business (Nov. 11-12)

Para sa karagdagang impormasyon at ideya na pang negosyo, manood ng "Negosyo Atbp." sa NBN Channel 4 tuwing Sabado, 5:30 – 6

Sa magpapa-reserve ng kanilang attendance sa mga kurso ng TRC, tumawag lamang sa telepono bilang 727-6205 locals 208 and 209. Maaari din kayong bumisita sa kanilang opisina sa 103 J. Abad Santos st., Little Baguio, San Juan, Metro Manila.

Para Sa inyong komento, mag-email sa josephvizcarra@ gmail.com

Share

Related Stories

Other Stories

Bandera

Basahin ang kumpletong balita at maiinit na chika sa Bandera. Para sa mga taga-Metro Manila, maaari kayong bumili o mag-subscribe sa Bandera. Tumawag lamang sa 8902351.

Back to top ^

Article Services

  • Reprint
  • Print
  • Send as E-mail
  • Feedback
  • Comment
  • Share
 

Hottest Tags