Tropang Bandera Archives - Bandera

Driver na may attitude yari sa rating system

AYOS din ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na lagyan ng rating system ang mga driver ng taxi cab. Kung ganito kasi ay maiiwasang magpakita ng kagaspangan ng ugali ang mga taxi driver—hindi naman lahat pero hindi maikakaila na meron talagang ganitong klase ng taxi driver. Kung masisibak ka o mababa ang […]

Lady official bawal nang sumakay sa presidential plane ni Du30

DA who ang lady official na bawal nang sumakay sa presidential plane ni Pangulong Duterte tuwing nagbibiyahe siya sa ibang bansa? Alam n’yo bang ban na ang lady official na makasama sa loob ng eroplano kung saan nakasakay si Digong sa kanyang mga biyahe? Ayon sa mga bubuwit mismong ang long time partner ni Pangulong […]

Sino ba talaga ang nanalo?

MUKHANG may naramdaman ang kampo ni Vice President Leni Robredo nang maglabas ng desisyon ang Presidential Electoral Tribunal kaugnay ng shading threshold sa mga boto noong 2016 elections. Ang shading threshold ay ang laki o porsiyento ng pagkaka-shade sa bilog sa tabi ng pangalan ng kandidatong iboboto—remember, ang botohan kapag presidential at mid term elections […]

Problema sa NFA may katapusan ba?

MAGKAIBA ang sinasabi nina Agriculture Secretary Manny Pinol at Presidential Spokersperson Harry Roque kaugnay ng isyu hinggil sa pagbuwag ng National Food Authority (NFA) Council. Batay sa pahayag ni Pinol, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbuwag sa NFA Council at ipinag-utos ang pagbalik ng NFA sa ilalim ng pamamahala ng DA. Sa kasalukuyan, si Cabinet […]

P150 singil sa tricycle!

NAGULAT ang isang pasahero na sasakay sana ng tricycle matapos na mamalengke sa San Jose sa Rodriguez, Rizal. Ang sinisingil kasi sa kanya ay P150 para sa biyahe mula sa palengke hanggang sa Malanday, San Mateo. Ganun na ba talaga kamahal ang pasahe sa tricycle? Kapag sasakay ka kasi ng jeepney ang pamasahe ay P8 […]

Pagsibak kay Aguirre sa DOJ planado

USAP-USAPAN sa Malacañang na naging planado ang pagsibak ni Pangulong Duterte kay dating Justice secretary Vitaliano Aguirre kung saan bago pa ang paggunita ng Mahal Na Araw ay may desisyon na hinggil dito. Noong kasing Holy Week, halos araw-araw ay nagbi-briefing sa Malacañang ang bagong talagang Justice Secretary Menardo Guevarra bilang pansamantalang kahalili ni Presidential […]

LTFRB di nga updated sa oil price hike?

NGAYON na tumaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo, nagtatanong na si Manong driver kung ano na ang nangyari sa petisyon ng kanilang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas ng pasahe. Ramdam na ni Manong ang itinaas ng presyo ng diesel dahil lagpas P40 kada litro na sa kanyang […]

PIA-Cordillera workers na-evict dahil sa resthouse na nais ni ES Medialdea

KAMAKAILAN ay pinalayas ang mga empleyado ng Philippine Information Agency (PIA) Cordillera sa kanilang opisina sa Baguio City para bigyang daan ang itatayong resthouse ni Executive Secretary Medialdea. Makalipas ang ilang dekada at ilang pangulo na dumaan, napaalis sa sarili nilang tanggapan ang mga manggagawa ng PIA-Cordillera matapos ang eviction notice mula kay Medialdea. Matapos […]

Kandidato ni Duterte matulad kaya sa kandidato ni ex-PNoy?

SA bango ni Pangulong Duterte ngayon, walang duda na gusto ng mga tatakbo sa 2019 midterm election ng kanyang basbas. Marami kasi ang naniniwala na malaking tulong ang maibibigay nito para sila ay manalo. Madalas ay nananalo naman talaga ang mga kandidato ng administrasyon kapag mid-term elections, hindi man lahat ng kandidato sa pagkasenador pero […]

Penitensya ni manong driver

NAPAKAMOT ng ulo si manong driver nang magpakarga siya ng krudo para sa kanyang ipinapasadang jeepney kahapon. Umabot na kasi sa P40 ang kada litro ng diesel sa refilling station kung saan siya nagpapakarga. Kung dati ay gabi pa lang ay nagpapa-full tank na siya para dire-diretso ang biyahe kinabukasan, ngayon ay ilang balik siya […]

Gov’t official, staff nagmilagro sa Palasyo

DA who ang isang Assistant Secretary at kanyang staff na nahuli ng isang guard na nagmimilagro sa loob ng CR ng Malacañang? Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng Palasyo ang pagkakahuli sa isang mataas na opisyal at kanyang staff ng isang guwardiya habang may ginagawang kahalayan sa loob ng CR ng Malacañang. Pinagpipiyestahan ngayon […]

What's trending