Quantcast
Home » byline You are browsing byline “Susan K” - Bantay OCW

Matiisin o reklamador nga ba ang Pinoy?

MAY 5,800 employers sa Hong Kong ang nailagay sa “watchlist” sa unang kalahati ng taon ng 2017. Ibig sabihin, hindi na sila maaaring kumuha ng mga Filipino domestic helpers. Ito ang mga tipo ng employers na naireklamo dahil sa hindi pagpapasuweldo nang tama, pisikal na nang-aabuso, walang tamang working condition, pati na ang hindi magandang […]

Posted in Columns | Read More »

Walang katapusang obligasyon

KAPAG nagsimula nang mag-abroad ang isang overseas Filipino worker, asahan nang padagdag nang padagdag ang mga obligasyon sa buhay. Isang simpleng dahilan lang naman sa simula kung bakit sila nangingibang-bayan. Para sa kanilang pamilya! Na sana’y maiahon mula sa kahirapan ang mga mahal sa buhay; makapagpatayo ng bahay; makapagpatapos ng mga anak o kapatid sa […]

Posted in Columns | Read More »

Pinay OFW lasing na, nanapak pa!

LEVEL up na yata ang mga kababaihan natin. Nasentensiyahan ng dalawang linggong pagkakulong ang isang OFW sa Singapore matapos itong ireklamo ng isang taxi driver doon na hinampas ng naturang Pinay. Lasing nang sumakay ng kanyang taxi ang OFW. Nag-aalala ang driver na baka sumuka ang kanyang pasahero kung kaya’t binigyan niya ito ng plastic […]

Posted in Columns | Read More »

Sakripisyo ang pagkahiwalay sa anak ng OFW na magulang

KAPAG patrabaho sa ibayong dagat, Pinoy kaagad ang pangunahing naiisip ng mga dayuhang employer. Bakit nga naman hindi? Aba, panalong-panalo raw kapag Pinoy! Sa mga barko lamang na naglalayag sa mga karagatan sa buong mundo, hindi maaaring walang Pilipino. Kakaiba raw talaga kapag Pinoy seafarers ang sakat ng mga barko. Magagaling daw kasing mag-Ingles bukod […]

Posted in Columns | Read More »

Nagpapanggap na turista di na lulusot sa BI

NAKATUTUWANG marinig ang positibong balita mula sa Bureau of Immigration na hindi nila pinaalis ang may 43,000 tourist workers patungo sa ibang bansa mula noong Hunyo 2016 hanggang noong nakaraang buwan. Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng BI, dahil nga sa mahigpit na pagpapatupad ng kanilang tanggapan kung kaya’t marami tayong mga kababayan ang […]

Posted in Columns | Read More »

Bakit ba gustong-gusto pumuti ng mga Pinoy?

KAPANSIN-pansin na ang mga Asyana ay maingat sa kanilang mga balat. Iniiwasan nilang magbilad sa ilalim ng araw hangga’t maaari. Minsan naikuwento ng ating Pinay OFW sa Europa na tipong naiinis daw ang ibang lahi kapag nakita nilang nagpapayong sila. Tulad na lamang kapag natapos na ang snow, pinakahihintay-hintay nila ang paglabas ng araw. Iyon […]

Posted in Columns | Read More »

Walang pagpipigil sa sarili, kapahamakan ang dala

KAPANSIN-PANSIN na mismong mga sarili din natin ang siya nating numero-unong kaaway. Mahirap nga bang kontrolin ang sarili? Paano nga ba makokontrol ang mga emosyon, pagnanasa, kasakiman, galit at marami pang iba. Sa California, USA, isang yaya ang kinasuhan dahil sa pananakit sa kanyang alaga. Sa Macau, isang Pinay OFW ang pinaghahanap ngayon ng mga […]

Posted in Columns | Read More »

Mahirap nga bang maging masunurin sa batas?

MAHIRAP nga ba talagang sumunod ang tao sa bawat batas na  ipinatutupad sa kanilang bansa? Sadya nga bang likas sa tao ang  sumuway sa halip na maging masunurin? Isang Pinoy sa Malaysia ang lumabag sa batas-trapiko roon. Nang mahuli ito ng pulis, sinubukan niyang suhulan ito, ngunit sa halip na tanggapin, kinasuhan ang Pinoy ng […]

Posted in Columns | Read More »

OFWs welcome sa Russia!

MASAYANG nakakuwentuhan ng Bantay OCW sa Radyo Inquirer si Ambassador Igor Khovaev ng Russia. Matapos anya ang matagumpay na pagbisita ni Pangulong Duterte kay Russian President Vladimir Putin, maraming mga kasunduan ang kanilang nabuo sa pagitan ng dalawang bansa. Maraming mga negosyo ‘anya ang puwedeng ipasok ng Russia sa Pilipinas at gayon din ang mga […]

Posted in Columns | Read More »

Nanny forever, pero OK lang

MAHIGIT 30 taon nang yaya si Adelfa sa Hong Kong. Nang mag-asawa at magkaroon ng anak ang kanyang alaga, siya na rin ang pinakiusapan nitong maging yaya ng sanggol. Biro nga ni Adelfa, apo na niya ang alaga ngayon. May sariling mga apo na rin siya sa kanyang tatlong mga anak sa Pili-pinas. Ngunit kailanman […]

Posted in Columns | Read More »

Walang kamatayang problema sa balikbayan boxes

ILANG dekada na bang problema ng Pinoy ang mga balikbayan boxes na hindi nakararating sa kani-kanilang mga destinasyon? Nagsisimula pa lamang ang Bantay OCW program noon, 20 taon na ang nakararaan, ito na ang problemang sumalubong sa amin.  Hanggang ngayon, eto pa rin ang problema. Dalawang container van mula sa Hong Kong ang hindi na […]

Posted in Columns | Read More »



TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement