Quantcast
Home » byline You are browsing byline “Ramon Tulfo” - Target ni Tulfo

Bakit walang tiwala ang publiko sa kapulisan

PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ni Pampanga Congressman Aurelio Gonzales ang pagkawala ng mga valuables at pera ng kanyang asawang si Elizabeth sa Resorts World shooting rampage and fire. Si Elizabeth ay isa sa mga 38 katao na namatay sa suffocation dahil sa matinding usok. Gustong malaman ni Gonzales kung sino ang kumuha ng mga valuables, pera […]

Posted in Columns | Read More »

Huwag kang umasa sa mga ‘jaguar’

HULI na upang makipag-usap ang gobyerno sa mga terorista na sumakop sa Marawi City, sinabi ni Pangulong Digong. At bakit naman makikipag-usap ang gobyerno sa mga grupong Maute at Abu Sayyaf ma-tapos itong malagasan ng 59 na sundalo sa apat na linggo ng labanan sa Marawi? Sinabi sa editorial ng New York Times na panghahambog […]

Posted in Columns | Read More »

Walang interes ang pulis sa kanilang trabaho

BAKIT parang walang gana ang mga pulis sa kanilang trabaho? Madalas nating nakikita ang pulis na nakauniporme sa kalye na wala sa kanilang isipan ang kanilang trabaho. Sa halip na titingin-tingin sa kanilang paligid ay nakatuon ang kanilang pansin sa kanilang cellphone o nakikipagdaldalan sa kapwa pulis. Gaya na lang ng pulis na naka-assign na […]

Posted in Columns | Read More »

Pambihirang katapangan

SI Marine 1st Lt. John Frederick Savellano, isa sa mga nasawi sa labanan sa Marawi City ay kandidato na para maging medal of valor awardee. Sinabi ni Maj. Gen. Emmanuel Salamat, Marine commandant, nagpakita ng pambihirang kagitingan at katapangan si Savellano kahit sa harap ng tiyak na kamatayan. Kung tatanggapin ang rekomendasyon ni Salamat, mabibilang […]

Posted in Columns | Read More »

‘Ang mamatay nang dahil sa iyo’

MARAMING readers ng INQUIRER ang malamang ay napaiyak kahapon nang makita nila ang mga larawan ng mga sundalo na namatay sa pakikipaglaban sa Marawi City. Ang mga mukha ng mga bayani na hindi nag-alangan na ibuwis ang kanilang buhay upang maisalba ang republika ay maaaring ating mga anak, kapatid, pinsan at kaibigan. Ilan sa kanila […]

Posted in Columns | Read More »

Bulto-bultong pera at iba pang kuwento

DINAKMA ng gobyerno si dating Marawi City Mayor Fahad Salic sa Villanueva, Misamis Oriental dahil sa kasong rebellion. Kung hindi dahil sa martial law, hindi mahuhuli si Salic dahil walang warrant of arrest ang mga awtoridad. Notorious itong si Salic, ayon sa aking mga sources sa Mindanao. Siya diumano’y drug lord sa Marawi City pero […]

Posted in Columns | Read More »

Gawing bihag ang tatay ng Maute brothers

DAPAT gawing bihag ng gobyerno si Cayamora Maute, ang tatay ng Maute brothers, at ipalit sa mga buhay ng isang pari at mahigit 100 Katoliko na mga hostage ng Maute group sa Marawi City. Ang magkapatid na Abdullah at Omarkhayyam Maute ay mga lider ng mga terorista na sumalakay sa Marawi City at bumihag ng […]

Posted in Columns | Read More »

Makaka-recover din ang ating turismo

ANG karumal-dumal na pangyayari sa Resorts World Hotel complex sa Pasay City ay makaaapekto sa ating turismo, lalong-lalo na sa mga turista na pumupunta sa bansa upang maglaro sa ating mga casino. Pero makaka-recover ang bansa gaya nang pag-recover natin sa mga nakaraang sakuna. Darating uli ang mga turista kapag sila’y nabigyan ng kasiguruhan ng […]

Posted in Columns | Read More »

Malalim ang tahimik na dagat

DALAWANG taon matapos maganap ang Mamasapano massacre, ipinakita na naman ng Special Action Force (SAF) sa buong mundo na ito ang pinakapalpak na commando unit sa buong mundo nang sumali ang elite police force sa bakbakan sa Marawi City. Isang armored personnel carrrier ng SAF ang nakuha ng mga miyembro ng Maute group at ngayon […]

Posted in Columns | Read More »

Maute group, naka-shabu

GUMAGAMIT ng shabu ang mga miyembro ng Maute group kaya’t mabangis na nakikipagba-rilan sa mga sundalo sa Marawi City, ayon sa aking espiya sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang mga Maranaw—Moro ng Lanao—ay hindi tanyag sa pagiging matapang, di gaya ng mga Tausug ng Sulu at Tawi-Tawi, dahil karamihan sa kanila […]

Posted in Columns | Read More »

Kelangang ilipat ang Islamic Center sa Quiapo

HINABLOT ng isang snatcher na nakahubad ang isang cellphone ng pasahero sa loob ng taxi sa Quezon City. Katatapos lang makipag-usap sa kanyang anak ni Socorro Zaldivar, isang corporate trainer, na sakay ng taxi nang isang lalaki na walang suot na pang-itaas na damit ang bumukas sa pintuan ng sasakyan at hinablot ang kanyang I-phone […]

Posted in Columns | Read More »



TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement