Lito Bautista Archives - Page 2 of 32 - Bandera

Kumpisalang AAGND

SA mga kasalanan mananatili, hanggang sa kahihiyan, pagbagsak at kamatayan. Mamamatay na taglay ang kasalanan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Blg 21:4-9; Slm 102; Jn 8:21-30) sa Martes sa ikalawang linggo ng Kuwaresma. Napakaraming makasalanan. Pero, bakit turan ang mahihirap na umamin at magsisi sa mga Kumpisalang Bayan ngayong Semana Santa? Ang kasalanan ba nila […]

Taktikang diborsyo

NANGYAYARI ang kahangalan sa buhay. Marami ang nawawala sa katinuan, kaya’t di matagpuan ang sarili. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2 Kro 36:14-16, 19-23; Slm 137; Ef 2:4-10; Jn 3:14-21) sa ikaapat na linggo ng Kuwaresma. Natagpuan na ba nina Aquino, Abad, Garin, Sereno, atbp., ang kanilang sarili paggising kaninang umaga? Napakahiwaga ng paraan ng […]

San Lucas at Sereno

NAPAKAHIRAP mangaral at manguna sa mga taong alam mong mas magaling sa iyo. Manapa’y hinahamon kang patunayan na kapanipaniwala ka’t may awtoridad. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2 Hari 5:1-15; Slm 42:2-3, 43:3-4; Lc 4:24-30) sa Lunes sa ikatlong lingggo ng Kuwaresma (Di tinanggap sa sariling bayan ng Nazaret). Sa Pagninilay sa Ebanghelyo noong Marso […]

Papatay ang magulang

HANAPIN ang katarungan. Pagbawalan ang mga nang-aapi. Harapin ang daing ng mga ulila at ipagtanggol ang mga namatayan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Is 1:10, 16-20; Slm 50:8-9, 16-17, 21, 23; Mt 23:1-12) sa Martes sa ikalawang linggo ng Kuwaresma. Di pa tanaw ang katarungan sa mga namatay sa Dengvaxia. Para sa […]

EDSAyang 3: Venganza

BANTAYAN ang dila sa masama, ang mga labi sa pagsasalita ng panlilinlang. Iyan ang Pagninilay sa Salmo sa Ebanghelyo (Is 55:10-11; Slm 34:4-7, 16-19; Mt 6:7-15) sa Martes sa unang linggo ng Kuwaresma. Naganap ang makatotohanang pagdinig sa Senado (hinggil sa bibilhing bapor de gera ng Navy) at hindi namayani ang maling bintang (pagsuway sa […]

EDSAyang 2: Di si FM

PAGKAPAGLIHI ng nasa, ipinapanganak nito ang kasalanan; paglaki naman ng kasalanan, , nagdudulot ito ng kamatayan. Jaime 1:15, bahagi ng Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Jaime 1:12-18; Slm 94:12-13a, 14-15, 18-19; Mc 8:14-21) sa Martes sa ikaanim na linggo ng taon. Sa Pagninilay sa buwan ng mga puso(k), noon pa man, sa pangaral ni Apostol Jaime, […]

EDSAyang 1

PARA siyang aliping hangad ang lilim, o manggagawang hangad ang bayad. Mga pagkabigong minana. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Jb 7:1-4, 6-7; Slm 147:1-6; Mc 1:29-39) sa ikalimang linggo ng karaniwang panahon. May inaasahan ba ang manggagawa sa TRAIN ni Digong? Hindi makakain ang TRAIN. Kung siya’y aliping walang tiyak na lilim, […]

I love you Mocha

LUMAYAS ka! Layas! Taong uhaw sa dugo at walang silbi. Sinisingil na sa iyo ngayon ang lahat ng dugo. Narito na ang pagbagsak mo sa uhaw sa dugo. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 S 15:13-14, 30; 16:5-13, Slm 3; Mc 5:1-20) sa ikaapat na linggo ng taon. Hacienda Luisita, Luneta hostage, […]

Rody bigo vs droga

KAPAG sinuway nila ang Aking mga tuntunin at hindi iningatan ang aking mga kautusan, parurusahan ko sila ng pamalo… papaluin ko. Sa Salmo 89 (32-33) ng Ebanghelyo (2 S 5:1-7, 10; Slm 89; Mc 3:22-30) sa Lunes sa ikatlong linggo ng taon nagmula ang Pagninilay, na salamin ng kasalukuyan. Sinuway ni Noynoy ang kalinisan at […]

Adik sa sex, tsismis

HUWAG mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan… Ang batayan Ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan Ko. Sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 S 16:1-13; Slm 89; Mc 2:23-28) sa Martes sa ikalawang linggo ng taon nagmula ang Pagninilay sa mga nangyayari […]

Digonging, noynoying

MINSAN, mas mabuti pa na ipakita ang tunay na pagkatao, taglay ang mga kahinaan at pagkukulang, kesa manatili sa pagkukunwari. Iyan ang Pagsasadiwa sa Ebanghelyo (1 Jn 3:11-21; Slm 100; Jn 1:43-51) sa Biyernes bago mag-Epifania. Di dapat ikinumpara ng mga survey sina Digong at Noynoy. Kung may noynoying kay Noynoy, may noynoying din naman […]

Previous           Next
What's trending