John Roson Archives | Page 2 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 2 of 149 | Bandera

Pulis, kagawad, treasurer patay sa pamamaril sa Albay

NASAWI isang pulis, kagawad, at barangay treasurer sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Jovellar, Albay. Sa unang insidente, napatay si Pat. Emerson Belmonte, miyembro ng Albay Provincial Mobile Force Company, nang tambangan ng mga kasapi ng New People’s Army ang kanyang unit, sabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac. Sugatan naman sa insidente […]

Lasing na rider sumalpok sa checkpoint, pulis sugatan

PATUNG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang lalaking nagmotorsiklo nang lasing, matapos sumalpok at makasugat ng pulis sa isang quarantine checkpoint sa Bocaue, Bulacan, kaninang madaling-araw. Nakilala ang rider bilang si Michael Kayson Amador, 33, residente ng Brgy. Bambang, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police. Nasugatan siya sa insidente, pati ang pulis na […]

Pulis-Cebu patay sa COVID; pulis na nagkasakit 518 na

ISANG pulis na nakabase sa Cebu ang nasawi matapos dapuan ng 2019-Coronavirus disease. Ang naturang pulis, isang 45-anyos na lalaki, ay nakatalaga sa Central Visayas regional police aat ang ikaapat na alagad ng batas na nasawi dahil sa COVID-19, sa naturang rehiyon, ayon sa ulat ng PNP. Dahil sa pagkasawi ng naturang pulis ay umabot […]

4 dakip sa sabong ng gagamba

ARESTADO ang apat katao nang mahuling nagsasabong ng gagamba, sa Tanauan City, Batangas, kahapon. Nakilala ang mga nadakip bilang sina Sherwin Manalo, Patrick Dimaano, Jonald Brillante, at John Lorenzo Dayrit, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Isinagawa ng mga tauhan ng lokal na pulisya ang operasyon alas-5:40 ng hapon, sa Brgy. Darasa. Nakuhaan ang […]

Kawal patay, 9 pa sugatan sa engkuwentro vs. Abu Sayyaf

ISANG sundalo ang nasawi at siyam pa ang nasugatan nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, kahapon. Nakilala ang nasawi bilang si 1Lt. Ryan Lou Retener, miyembro ng Army 32nd Infantry Battalion. Ang mga sugatan nama’y pawang may mga ranggong sergeant at private first class. Naganap ang sagupaan kahapon […]

Parak na dating nang nahuli sa sugal huli ulit sa tupada

ARESTADO ang isang pulis, na dati nang nahuli dahil sa iligal na sugal, nang maaktuhang nakikilahok sa “tigbakay” o tupada, sa Cebu City, kahapon. Nadakip si SSgt. Charlito Tinoy sa Sitio Sudlon, Brgy. Lahug, dakong alas-2:30, sabi ni Brig. Gen. Ronald Lee, direktor ng Integrity Monitoring and Enforcement Group. Si Tinoy ay kasalukuyang nakatalaga sa […]

3 dakip sa P6.36M marijuana

ARESTADO ang tatlo katao nang mahuling nagbibiyahe ng aabot sa P6.36 milyon halaga ng marijuana, sa Bontoc, Mountain Province, kagabi. Nadakip sina Wilfredo Magbanua Jr., 34; Noli Navales, 38; at Mary Grace Lunas, 34, pawang mga taga-Dasmarinas City, Cavite, ayon sa ulat ng Bontoc Police. Naharang ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement […]

Ginang kinatay, nilibing sa bakuran

NAREKOBER ng mga otoridad ang bangkay ng ginang na nawala matapos patayin at ilibing sa bakuran ng umano’y karelasyon nitong lalaki, sa Aborlan, Palawan. Nahukay ang mga labi ni Rhodora Dioso Ayunan kahapon ng hapon, sa bakuran ng suspek na si Nestor Milo Lacap, isang dating security guard na taga-Brgy. Ramon Magsaysay, ayon kay Lt. […]

2 kawal patay; Army officer, militiaman sugatan sa ambush

DALAWANG sundalo ang nasawi habang sugatan ang isang opisyal ng Army at isang militiaman, nang tambangan ng armadong grupo sa San Jose, Occidental Mindoro, kahapon ng hapon. Nagpapagaling ngayon sa pagamutan si Maj. Ephraim Domingo at Willy Gregorio, miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA), ayon sa ulat ng Armed Forces Southern Luzon Command. Di muna […]

Pagtawag ng ‘supot’ nauwi sa pamamaril: 3 sugatan

TATLO katao ang sugatan nang mauwi sa pamamaril ang pagtawag ng isang lalaki ng “supot” sa isang grupo ng mga nag-iinuman, sa Santol, La Union, kagabi. Itinakbo sa pagamutan sina Aljon Oribio, 24; Harry Sabado, 17; at Jayson Sabado, 20, dahil sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Naganap ang […]

Brgy. chair niratrat sa COVID outpost, patay

NASAWI ang isang barangay chairman ng Dumaguete City, Negros Oriental, nang pagbabarilin ng mga armado, habang nagbabantay laban sa COVID-19, kagabi. Ikinasawi ni Harrison Gonzales y Kalobiran, chairman ng Brgy. Poblacion 1, ang tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police. Naganap ang insidente sa outpost ng […]

Previous           Next
What's trending