Bella Cariaso Archives - Bandera

PCOO nagpalusot na typo error ang pagtawag sa Norway bilang Norwegia

KAMAKAILAN, may panibagong kamalian na naman ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kung saan tinawag nito ang bansang Norway bilang Norwegia. May palusot agad ang pamunuan ng PCOO sa pagsasabing typo error lamang ang nangyari. Imbes na aminin na lamang ang pagkakamali, bakit kailangang magpalusot? Bilang opisyal na pinagmumulan ng mga impormasyon kaugnay ng mga […]

Bae Suzy, Lee Seung Gi muling matatambal sa K-drama na ‘Vagabond’

KOREAN word of the week: Hyung – Sa atin ang kahulugan nito ay kuya. Literal na ginagamit kapag tumatawag ang isang lalaki sa nakatatandang kapatid na lalaki. Ginagamit din ito ng mga lalaking Korean sa kahit hindi kadugong mas matandang lalaki na malapit sa kanila. q q q Kumpirmado na ang pagsasama ng dalawang Korean […]

Song Ji Hyo, Park Shi Hoo bibida sa K-horror-romcom

MAGSASAMA naman ang Korean stars na sina Song Ji Hyo at Park Shi Hoo sa isang romantic horror comedy na Lovely Horribly. Napapanood si Ji Hyo sa sikat na Korean variety show na Running Man samantalang huling bumida si Shi Hoo sa top rating na My Golden Life. Gagampanan ni Shi Hoo ang role bilang […]

Ang P10K budget ng NEDA at ang bansag na crybabies ng DBM

UMANI ng mga batikos ang naging pahayag ng ng National Economic Development Authority (NEDA) na kayang mabuhay ng isang pamilyang Pinoy na may limang miyembro sa P10,000 budget sa isang buwan. Bukod sa pagpapakita ito ng pagiging insensitibo ng mga opisyal ng gobyerno, nagpapalusot na lamang ang mga opisyal dahil sa kabiguan nilang gampanan ang […]

Gov’t exec namutla nang inihahayag ni Du30 ang susunod na sisibakin

DA who ang isang mataas na opisyal ng gobyerno na kitang-kita ang pamumutla ng mukha habang inihahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang susunod na sisibakin dahil sa isyu ng junket at umano’y katiwalian sa gobyerno. Nitong nakaraang mga araw, sunod-sunod ang paghahayag ni Duterte ng mga opisyal na sibak sa puwesto at kapansin-pansin ang pag-iba […]

Kim Yoo Jung ng Love In The Moonlight balik sa pag-arte

MATAPOS makilala nang husto sa Korean hit drama na Love In The Moonlight mapapanood na muli ang young actress na si Kim Yoo Jung sa bago niyang serye na Clean With Passion For Now. Matatandaang naging leading lady si Yoo Jung ng Korean actor na si Park Bo Gum sa matagumpay na Korean comedy period […]

Dong Gun, Joong Ki sa bagong fantasy-drama

WORD of the week: Unnie – nangangahulugan ito ng “older sister” sa Korean. Ginagamit din ito ng babae kapag nakikipag-usap sa mas matanda sa kanilang babae, kadugo man o hindi. Ginagamit din ito kapag gustong maliitin ng isang babae ang kausap niya kahit pa magkasing-edad lang sila. q q q Inaalok ang magaling na aktor […]

Dyowa labas-masok sa kulungan ng isang opisyal

DA who ang isang opisyal na bagamat nakakulong ay happy pa rin ang sex life dahil pinapayagang makapuslit ang kanyang dyowa kahit pa bantay sarado ang kanyang kulungan? Usap-usapan ngayon na bagamat medyo matagal-tagal nang nakakulong si government exec dahil sa mga kasong isinampa sa kanya, hindi pa rin naman tuluyang zero ang kanyang lovelife. […]

Gov’t exec walang ginawa kundi mag-out-of-town

DA who ang isang pinuno isang ahensiya na nais nang ireklamo sa Commission on Audit (COA) ng mga empleyado dahil wala itong ginawa kundi sumakay ng eroplano para mag-out-of-town? Alam nyo ba na bukod sa Kalihim ng isang departamento na mahilig magbiyahe sa ibang bansa, nasisilip na rin ang pinuno ng isang ahensiyang na nasa […]

Ilan pang opisyal na dawit sa korupsyon sinuspinde ni Duterte

  ILAN pang mga opisyal ang sinuspinde ni Pangulong Duterte dahil sa pagkakasangkot diumano sa korupsyon. Sa isang ambush interview sa Malacanang, sinabi ni Duterte bukod sa dalawang assistant secretary na nauna nang pinagbitiw, pinatawan na rin ng suspensyon ang ilan pang opisyal dahil sa katiwalian. Idinagdag ni Duterte na nakatalaga ang mga opisyal sa […]

Mr. Secretary nakatikim ng mura kay Digong

USAP-USAPAN ngayon na isa pang Kalihim ng isang departamento ang sisibakin ni Pangulong Duterte dahil sa patong-patong na kontrobersiya na kinakaharap ng kanyang mga nasasakupan. At bago nyo hulaan kung sino ang susunod na tatanggalin sa puwesto matapos ang pagkakaalis kay dating Tourism secretary Wanda Teo, da who muna ang opisyal na nakatikim ng mura […]

What's trending