Bandera Archives | Bandera

Bandera Archives | Bandera

5 milyong Pinoy target mabakunahan hanggang Hunyo

Target ng gobyerno na mabigyan ng Covid-19 vaccine ang limang milyong Pilipino pagsapit ng Hunyo. Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang unang gagawing hakbang ay makapagpabakuna nang maaga. “Unang hakbang po natin, pinaaga po natin ang pagbabakuna. Bago pa po dumating ang mga western brands, gaya ng sabi ko ang […]

20 watawat ng Pilipinas, sinunog sa Biñan City

Dalawampung luma at kupas nang watawat  ng Pilipinas ang sinunog sa Biñan City sa isang mataimtim na seremonya kaalinsabay sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani nitong Lunes. Ang pagsunog sa mga lumang watawat ay bahagi ng tradisyon sa wastong pag-dispose ng pambansang simbolo. Mabibilang ang mga lokal na pamahalaan na nagsasagawa ng tinatawag […]

440 pribadong paaralan magsasara ngayong taon

Hindi kukulangin sa 440 pribadong iskwelahan sa buong bansa ang magsasara dahil sa pagbaba ng mga estudyanteng nagpapatala ngayong school year dulot ng pandemya, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd) Hanggang nitong Agosto 24, naitala ng DepEd ang mga sumusunod na eskwelahang hindi magbubukas sa 2020-2021 na pasukan: 88 mula sa kabuuang 1,731 […]

UPDATE: 1 opisyal, 10 sundalo patay sa bakbakan sa Sulu

UMABOT na sa 11 sundalo ang nasawi, kabilang ang isang opisyal, habang 14 pa ang nasugatan nang makasagupa ang may 40 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu, Biyernes ng hapon. Kinumpirma sa Bandera ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP Western Mindanao Command ang nangyaring sagupaan na ikinasawi ng 11 sundalo kabilang […]

BREAKING: 8 sundalo patay sa bakbakan sa Sulu

WALONG sundalo ang nasawi habang ilan pa ang nasugatan matapos makasagupa ang may 40 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa  barangay Danag sa Patikul, Sulu, Biyernes ng hapon. Sa ulat na nakalap ng Bandera, nagsasagawa ng combat/strike operation ang grupo ng 21st Infantry battalion sa pangunguna nang paulanan sila ng bala ng grupo ng Abu […]

What's trending