Gretchen walang pakialam sa pagbabati nina Claudine at Marjorie; nagpapakaligaya sa US | Bandera

Gretchen walang pakialam sa pagbabati nina Claudine at Marjorie; nagpapakaligaya sa US

Julie Bonifacio |August 09,2015
facebook
share this

Gretchen walang pakialam sa pagbabati nina Claudine at Marjorie; nagpapakaligaya sa US

Julie Bonifacio - August 09, 2015 - 02:00 AM

gretchen barretto

Kaduda-duda para sa ilan ang pananahimik ngayon ni Gretchen Barretto especially now that her equally-controversial sister Claudine Barretto is back sa kanyang mother studio, ang ABS-CBN.

Usually, hindi nagpapakabog si La Greta kay Claudine pagdating sa mga isyu-isyu. But now, tila mas pinili niya ang manahimik.

Much awaited pa naman kung ano ang magiging reaksyon niya sa muling “pagsasanib-puwersa” ng kanyang sisterakas na sina Claudine at Marjorie Barretto na nagkaroon ng malaking hidwaan noon, na inabot din ng ilang taon, huh!

From a source, we found out na nasa abroad si La Greta. From London kung saan kasama niya ang partner na si Tony Boy Cojuangco at anak na si Dominique na nag-aaral sa Europa, lumipad si La Greta sa San Francisco, USA recently.

And guess what kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa Sanfo? Well, may sinamahan lang daw na nagpapagamot na best friend ang aktres doon.

Super close raw si La Greta sa BFF niya na sumailalim sa isang matinding treatment. Ganyan daw magmahal si La Greta as a person lalo na kapag knows niya na very loyal din sa kanya ‘yung tao.

Tama lang na nasa abroad si La Greta kesa patuloy silang pagsabunging magkakapatid. Pati na ang pamangkin na si Julia Barretto ay nadadamay pa sa giyera ng Barretto sisters.

Tuloy, pati ang pobreng si Julia feeling naiipit sa mga nag-uumpugang bato sa pamilya niya. Nakikita ang pictures nila ng auntie niyang si Claudine sa social media na super close ngayon.

Kung matatandaan noong bata pa si Julia, talagang sunod siya sa luho dahil kay Claudine. In fact, “Mama” pa ang tawag niya noon kay Claudine pati na ng iba pa niyang pamangkin.

And remember, during that time ay kainitan ng showbiz career ni Claudine. Kung ano ang mga susunod na kaganapan sa Barretto sisters-serye, e, abangan na lang natin pagbalik ni La Greta sa Pinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa aming source, super nag-e-enjoy muna sa ibang bansa si La Greta habang wala pa namang konkretong offer sa kanya for a TV show or a movie.

E, ke may pelikula at TV show o wala, ‘di naman malaking kawalan kay Gretchen. Kaya niyang magbuhay-reyna as long as she wants because she’s super yaman na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending