Grade 3 pupil nagbigti sa Muntinlupa City | Bandera

Grade 3 pupil nagbigti sa Muntinlupa City

Lisa Soriano |August 04,2015
facebook
share this

Grade 3 pupil nagbigti sa Muntinlupa City

Lisa Soriano - August 04, 2015 - 06:36 PM

ISANG grade 3 pupil ang nagbigti matapos nitong ireklamo na sinermunan siya ng kanyang teacher sa kanilang iskwelahan kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead on arrival sa Alabang Medical Hospital ang biktimang 10-anyos na bata nakatira sa Barangay Poblacion.

Umuwi ng bahay ang bata alas-6:20 ng gabi Lunes mula sa paaralan at nadatnan nito ang kapatid na babae at boyfriend nito.

Inireklamo ng bata na pinagalitan umano siya ng kanyang guro, ngunit hindi sinabi ang dahilan.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ang boyfriend ng ate ng biktima at napansin nito na kinuha ng kapatid ang hawakan ng school bag nito at saka pinaglaruan.

Ilang minuto ang nakakalipas, dumating ang isang Andy Perez sa bahay ng pamilya ng biktima at isinumbong ang bata na nakipag-away umano sa kanyang anak.

Nang umalis si Perez, hinanap ng babae ang kanyang kapatid upang tanungin sa gulong kinasangkutan nito.

Nagtungo siya sa likod-bahay at doon na nakita ang kapatid na nakatali ang leeg ng hawakan ng bag nito at nakabigti sa pader.

Naisugod pa ang bata sa ospital ngunit hindi na naisalba pa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending