Claudine umaming naging dyowa rin si Eric Fructuoso | Bandera

Claudine umaming naging dyowa rin si Eric Fructuoso

Ervin Santiago |August 04,2015
facebook
share this

Claudine umaming naging dyowa rin si Eric Fructuoso

Ervin Santiago - August 04, 2015 - 02:00 AM

eric fructuzo

Diretsong inamin ni Claudine Barretto na hindi lang si Mark Anthony Fernandez ang naging boyfriend niya sa members ng grupong Gwapings.

Ayon kay Claudine, walang masyadong nakakaalam sa naging relasyon nila noon ni Eric Fructuoso. Inamin ito ng aktres sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

“Isa na lang nakumpleto ko na ang Gwapings,” biro ni Claudine sa host ng programa na si Vice Ganda nang matanong nga kung sino pa ang naging boyfriend niya sa showbiz.

Ang isa pang miyembro ng Guwapings ay si Jomari Yllana. Samantala, ibinalita rin ng estranged wife ni Raymart Santiago na tuluy-tuloy na ang shooting para sa comeback movie niyang “Etiquette for Mistresses” kung saan kasama niya sina Kim Chiu at Kris Aquino.

“I’m so happy I’m back (sa Star Cinema). First love ko ang showbiz, ang pag-aartista, nagkataon lang na kinailangan kong mag-stop para makatutok ako sa mga anak ko.

Kapag may anak ka magbabago lahat ng priorities mo. Ngayong nakita ko na okay na sila, pwede na sila iwan paminsan-minsan,” chika ni Claudine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending