Dingdong sa fans ni Marian: Hindi sila masasama! | Bandera

Dingdong sa fans ni Marian: Hindi sila masasama!

Ervin Santiago |August 04,2015
facebook
share this

Dingdong sa fans ni Marian: Hindi sila masasama!

Ervin Santiago - August 04, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes

TUMITINDI na naman ang bangayan sa pagitan ng fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista.
Ito’y nag-ugat nga matapos tawagin ni Heart na “Very bad people” ang supporters ng Kapuso Primetime Queen. Siyempre, nagwala sa galit ang DongYan fanatics at talagang niresbakan ang misis ni Sen. Chiz Escudero.

Pagkatapos ng thanksgiving party na ibinigay ng GMA para sa tagumpay ng teleseryeng Pari ‘Koy, tinanong ng ilang press si Dingdong kung ano ang masasabi niya sa panibagong isyu na kinasasangkutan ng kanyang misis at ni Heart.

Ang tugon ng GMA Primetime King, “You know, mahirap mag-generalize. Lalung-lalo na yung validity naman din ng pagsasabi na kung sino sila, e, mahirap talagang patunayan ‘yan.

Para sa akin, at the end of the day, we should always let go of these negative things, ‘di ba? “Focus on what’s positive para sa ikaaasenso at ikagaganda ng buhay nating lahat.

Magkaroon ka ng kapayapaan para sa sarili mo, yun ang pinakamahalaga, e. And kanya-kanya ‘yan, kanya-kanyang statement. At ako, ang pinakamahalaga sa lahat, stick to what is right.

“Kung ano ang karapat-dapat, e, dapat du’n ka lang and not involve ourselves sa mga negative na bagay. In fairness, ha, I would like to speak also in behalf of some of the supporters.

They’ve been with us magmula noon…personally, I know some of them and they’re not that way.
“And at the same time, I’m also a fan of Marian.

Ibig sabihin ba, I am also like that? So, I really hope hindi siya nadye-generalize…the people that are with us ay mabubuting tao,” ani Dingdong.

Actually, kasama ni Dong si Marian sa Pari ‘Koy thanksgiving party, pero mas pinili ng aktres na huwag na lang sumagot sa isyu, aniya, “Ang masasabi ko lang, mahal na mahal ko ang mga fans ko.”

Bago ito, naging isyu rin ang pagbebeso nina Marian at dati nitong kaibigan na si Lovi Poe sa YES! 15th anniversary party last week, sinabi ng asawa ni Dingdong na ayaw na niyang mag-entertain ng kanegahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang reaksiyon dito ni Dingdong, “Yes, sabi ko nga sa lahat ng bagay, maganda na merong kapayapaan. And for whatever it is, it’s between them.

Pero para sa akin, let’s all have fun. Maiksi ang buhay, huwag na nating bigyan ng kung anuman.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending