Horoscope, August 04, 2015 | Bandera

Horoscope, August 04, 2015

Madam Sophia |August 04,2015
facebook
share this

Horoscope, August 04, 2015

Madam Sophia - August 04, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa pagsisimba. Sa ganyang paraan may sopresang regalong matatanggap. Sa pag-ibig, muling iinit ang relasyon. Sa pinansayal tuloy ang agos ng pera papalabas, – magtipid! Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Red at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Ikonsidera ang damdamin ng iba, hindi yong puro sarili mo lang ang iyong iniintindi. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag marunong kang gumalang sa karapatan ng iba, mas mabilis kang unnlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Ghopalago-Om.” Pink at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Hanggat malakas ang kita mag-ipon na para sa future. Wag ng hintaying masimot ang laman ng bulsa at mawalan ka ng silbi. Tandaang kapag marami kang savings magkakaroon ka ng security, power at peace of mind. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Yayaman ka sa pamamagitan ng unconventional at kakaibang paraan, ipatupad mo na ngayon! Sa pag-ibig, nasasabik na ang kasuyo sa bagong istilo ng romansa na iyong hinahanda. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Silver at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Manatiling tapat sa minamahal upang patuloy na mag-alab at uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa grocery at pagkain. Sa nasabing mga kalakal ka yayaman. Mapalad ang 5, 7, 19, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Magiging mapalad ang araw na ito kung magsusuot ng dilaw. Sa kulay na dilaw makatatangap ka ng dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 10, 27, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Bukod sa dilaw ang orange ay buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—May kakaibang lakas at sigla na kukubabaw sa iyo. Gamitin ito sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig mamayang gabi kakaibang ligaya na naman ang maipapadama mo sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Wag makisawsaw sa usapan na iba, may babala na dahil sa pakiki-alam sa buhay ng iba, mapapa-away ka na naman. Sa pinansyal at pag-ibig, imbis na atupagin ang pakikipag-tsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dema-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pinansiyal sa isang social gathering matatagpuan ang malaking pag-unlad. Laging maglalabas ng bahay at umpisahan na ring mamolitika. Sa pag-ibig, anoman ang iyong mapakinabang partihan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 8, 14, 16, 25, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag guluhin ang isipan sa mga suliraning hindi pa naman dumarating. Kapag may peace of mind, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag ng maghanap ng kung ano-anong bagay, makuntento ka na sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, upang mas madali kang yumaman mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil, sa pang-agricultural products at sa mga kalakal na matitigas. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Virgo, malaki ang maitutulong nya upang mapawi na ang iyong pag-aalala at kalungkutan. Sa pinansiyal, asahan ng aangat ang graph ng pag-unlad sa buwang ito ng Agosto. Mapalad ang 5, 8, 23, 36, 45 at 47. Mahiwag mong mantra: “Doysa-Om-Rama.” White at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Hindi tama ang puro plano at pangarap lamang. Mas madali kang uunlad kung kikilos ka na ngayon at ipatupad ng mabilis ang iyong mga binabalak. Sa pag-ibig, ayain sa isang tahimik at romantikong lugar ang kasuyong matagal ng nananabik sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 30, 42 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Gayatri-Dosya-Om”. Beige at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending