Rhian, Glaiza type dyowain ng mga tibo; hinamong maghalikan sa TV | Bandera

Rhian, Glaiza type dyowain ng mga tibo; hinamong maghalikan sa TV

Ervin Santiago |August 03,2015
facebook
share this

Rhian, Glaiza type dyowain ng mga tibo; hinamong maghalikan sa TV

Ervin Santiago - August 03, 2015 - 02:00 AM


rhian ramos

PARA sa lahat ng mga nagtatanong kung ano na ang magaganap tonight sa tomboy serye ng GMA na The Rich Man’s Daughter, narito ang dapat n’yong tutukan mamaya: Itatago ni Amanda (Glydel Mercado) si Jade (Rhian Ramos) sa isang condo unit para hindi muna makita sina Oscar (Al Tantay) at David (Luis Alandy).

Tatawagan ni Paul (Mike Tan) si Jade para ipaalam ang ginawa ni Oscar, ang ginawang scheme ng ama para ipakasal sila ni Sally (Sheena Halili).

Mapag-iinitan sina Batchi (Chynna Ortaleza) at Abby (Stephanie Sol) ng isang lalaking homophobe – pero hindi magpapatalo si Batchi dito.

Susugurin ni Jade si Oscar sa hotel at masasaktan ng lalaki si Jade! Pipigilan ni Paul ang away nina Jade at Oscar by saying pumayag na siyang pakasal kay Sally.

Paul tells Jade na ayaw niyang masaktan si Sally, reason na hindi matatanggap ni Jade. Haharapin ni Amanda si Oscar para sabihin na hindi na siya kakampi sa mga gusto ng asawa.

Amanda gives Paul an option to back out of his arranged marriage kay Sally. Tatanggihan ni Paul ang alok ni Amanda. Pipilitin ni Paul na maging masaya sa magiging kasal nila ni Sally.

Samantala, sisimulan na ni Althea (Glaiza de Castro) ang pagsisimula niyang muli ng bagong buhay – by applying for work. Ibubuhos naman ni Pearl (Pauleen Luna) ang oras niya sa pagbabalik niya sa pagdu-doctor.

Patuloy namang magseselos si Batchi sa pagiging ‘normal”‘ ni Marinel, kung si Lester (Ken Alfonso) ang kasama nito.

Magagalit naman si Oscar kay David for giving up on Jade, pero sasabihin ng lalaki na may isa pa siyang plano to win Jade over. Matutulungan ni Amanda si Jade i-track down kung nasaan si Althea.

Pupuntahan nina Amanda at Jade ang address ng lugar kung saan nila matutunton si Althea. Pero bigo sila. May isa pang taong mag-aalok ng tulong kay Jade para hanapin si Althea: si David.

Dadalhin ni David si Jade sa isang news program para manawagan. Mapapanood ni Althea ang panawagan ni Jade.

Samantala, maraming viewers pa rin ang umaasa na matutuloy ang kissing scene nila Rhian at Glaiza sa serye. Ilang adik sa The Rich Man’s Daughter ang nakausap namin at nagsabing wala silang nakikitang masama kung maghalikan sa TV ang dalawang aktres dahil nagmamahalan naman sila at matatalino na raw ang mga manonood ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, naging mabenta ngayon sina Glaiza at Rhian sa mga tomboy, ha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending